Talagang sayang. Sayang na sayang sapagkat itinuring din na ideyal ang samahan ng dalawa.
"Actually, wala akong limitasyon sa pagganap ng sexy roles, hanggat kaya ko pwede, depende sa role.
"Baka kung launching movie ko, itodo ko na. But meanwhile, habang nagpapakilala pa ako, tama na muna itong ginagawa ko. Gaya sa Eskandalosa, si Barbara Milano ang talagang nagpakita rito. Suporta lang ako pero napansin naman ang role ko kahit hindi ako nagpaseksi, bilang girlfriend ni Leandro Baldemor," ani Ruby na ang tanging hangad ay magkapangalan bilang isang artista. Habang hindi pa dumarating ang malaking break na hinihintay niya, okay na muna sa kanya yung pagganap ng mga supporting roles. She will be supporting Yda Manzano next in FLTs Biyahero.
"May offer din ako to perform in Japan. Mga three months ako dun. Siguro pagbalik ko, baka may launching movie na ako. I hope. Maswerte naman ako dahil one year pa lang ako dito sa business pero, di na ako nahirapan pa. Mutya at Calendar Girl na agad," sabi ni Ruby.
Pero, ayon sa manager ng aktres, "Ilang beses kaming tumatawag sa kanila para magpaalam pero, di namin sila makontak. Sayang naman ang opportunity kung pakakawalan namin.
"Then, nagpadala sila ng demand letter sa MMG para ipatigil ang pagpapalabas ng pelikula ni KC dahil ini-insist nilang may kontrata kami sa kanila. Hindi lang sa MMG sila nagpadala ng demand letter, pati rin sa FLT Films dahil alam nilang kinukuha si KC.
"Kung anu-ano pang paninira ang ginagawa nila sa alaga ko. Magsasampa raw sila ng breach of contract. Actually, yung contract na pinirmahan ni KC ay year 1997 pa.
"So, ano ang ibig sabihin nito, nakipag-usap kami sa kanila pero, di nila kami pinansin. Gusto kasi namin na maayos ang lahat na walang demandahan na magaganap.
"Kapag nagdemanda sila, tuloy din ang gagawin naming kontra demanda. Bahala na ang korte na magdesisyon tungkol dito," pahayag ng manager ni KC Castillo na si Anthony Hernandez.