Aware ang mga nasangkot sa nasabing away na hindi ito nila pare-parehong ginusto. Walang gustong mapaaway at masaktan sa nangyari. Malamang na nanaig lamang kay Stefano ang init ng ulo para maipagtanggol ang kanyang kaibigan. Para sa kanya, hindi na niya nagawang isipin pa ang sasabihin ng iba basta ang importante ay ipaglaban ang inaping kaibigan.
Hindi ito ipinagwalang bahala ng Vice President for Talent Center na si Johnny Manahan. Kinausap niya ang teen actor at pinagsabihan na parang tunay na anak. Masinsinan ang nangyaring pag-uusap kasama ang mother na si Tita Lulu Mori. Humingi naman ng paumanhin si Stefano at nangakong hindi na ito mauulit. Kasalukuyan pa ring Talent Center contract artist si Stefano kaya naman ganun na lamang ang pag-aalala sa kanya.
Aminado ang magulang ni Stefano na hindi nila gusto ang nangyari at gusto nilang maayos ang lahat sa lalong madaling panahon.
Ngayon ay may image si Stefano na pala-away pero tiyak kami na hindi niya pinagsisihan ang ginawa niya dahil pinatunayan lamang niya ang kanyang pagiging isang tunay na kaibigan.
Maraming magagaling at mga potential recording artist ang sumasali sa "Star Quest" pero si Divo ang napansin naming may star quality. Bukod sa kanyang kagwapuhan, maganda ang kanyang rendition ng kanyang winning piece at talagang may stage presence. Si Divo ay isang band singer at siya ngayon ang bagong inaabangan ng mga viewers.
Sa una pa lang pagkakapanalo ni Divo, dumagsa ang mga tao sa MTB studio para personal siyang makita. Pati ang crew ng TV Patrol ay ini-interview siya para sa isang feature. Inulan din ng tawag ang Talent Coordinator ng MTB na si Freddie Bautista mula sa mga talent managers na interesadong kunin ang binata para i-manage. Sa ngayon, hindi pa pwedeng i-entertain ni Divo ang mga offers dahil kasalukuyan pa siyang contestant sa MTB.
In fact, umalis si Kristine kasama si Jericho at ang buong grupo ng Hunks para sa concert na kanilang gagawin. Si Tin ang isa sa special guests kasama si Vina Morales. Kasama ni Kristine ang ina para makapamasyal at makapagpahinga din sa ibang bansa.
Noong nakaraang Biyernes, umalis ang buong grupo ng Hunks kasama ang inyong lingkod papuntang Guam, Hawaii at San Diego, USA para sa series of shows. Unang leg ng show ay ginanap sa University of Guam Field House Guam noong March 23. Sa Honolulu, sa Stan Sheriff Center naman noong March 24 at sa March 30 tutungo sila sa San Diego Concourse Golden Hall. Diretso naman sila sa Las Vegas para sa two days stay. By April 4, babalik na sila sa Manila at balik sa kanilang regular na trabaho.