Ang actress-singer ay sikat na sikat at in-demand ito sa mga shows sa loob at labas ng bansa.
Ano ang reaksyon ni Angelika ngayong naroon na si Juday at malamang na lumipat na rin si Jolens? "Masaya ako dahil mga malalapit kong kaibigan ang dalawa. Komportable ako sa kanila at kung magkaroon man ng competition ay hindi naman maapektuhan ang aming pagiging magkaibigan. Its a friendly competition," aniya.
Malaking suporta rin ang ibibigay ng Syete kay Juday gayundin kay Jolens sakaling lumipat doon.
Nakakalungkot lang dahil kung kailan naman nakakapag-invest na ang guwapong aktor ay saka naman na-carnap ang kanyang sasakyan na nakaparada lang sa harap ng kanyang bahay. Ang konswelo na lang niya ay ang pagdating sa kanya ng mga offer. Kung nawala man ang Click ay kasama naman siya sa isa pang drama series bukod pa sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Hindi naman siya totally nawala sa limelight pagkatapos ng Pintados dahil paminsan-minsan ay nagkakaroon siya ng mga TV appearances. Kapag walang ginagawang pelikula o hindi busy sa taping ay tumutulong siya sa pagpapatakbo ng kanilang family business.
May nagtatanong kung ang pagpapakalbo ba ni Michael ay hudyat na gusto na niyang maging komedyante? Sinabi ng aktor na pinangatawanan na niyang huwag magpatubo ng buhok dahil unang-una ay gusto niyang mag-iba naman ang kanyang itsura. Pangarap niyang maging kontrabida dahil para sa kanya, mas challenge ito at hindi rin nawawalan ng offer ang artista kapag kontrabida.
Ngayong nagbabalik-telebisyon si Michael ay ipinangako niya na gagalingan pa niya ang pag-arte. Ayaw din muna niyang pumasok sa isang seryosong relasyon dahil mas type niyang ibalik ang sigla ng career niya.
Sa kabilang banda, ipinaliwanag ni Marjorie Barretto na hindi ang kanyang mister na si Dennis Padilla ang naging tulay para magkakilala ang dalawa. Kaibigang matalik pala ng konsehal ang action star dahil magkasama sila sa Kool Ka Lang. Mas gusto nga ni Dennis na huwag munang magpaligaw si Claudine dahil bata pa naman ito at gusto niyang mag-concentrate na lang muna sa pag-aartista ang hipag.