Yda, proud sa bagong boobs niya

Totoo nga na nakadagdag ng malaki sa personalidad ni Yda Manzano ang kanyang bagong boobs na ang operasyon ay napanood pa ng live on national TV.

"Maganda ang pagkakalagay nito. My breasts are now fuller, tayung-tayo, bagay kung magpapa-sexy ako sa pelikula. Pati, nipple ko, na-lighten dahil nabanat," aniya.

Hindi naman flat-chested si Yda. Size 34 B siya bago siya sumailalim sa operasyon. Ngayon ay 36 C na ito. "Hindi masyadong malaki. Ako ang pumili kung anong size ang gusto ko. Pinili ko yung size na bagay sa katawan ko, dahil balingkinitan lang ako. Hindi babagay kung mas malaki pa ang ipinagawa ko," dagdag pa ng sexy star who was chosen by his manager, Lito de Guzman na mabigyan ng breast enhancement sa rami ng kanyang alaga sapagkat "magbe-benefit ang career ni Yda ng husto dahil dito at matalino siya. Kayang-kaya niyang sagutin kung ano man ang magiging mga katanungan pagkatapos ng operasyon," anang manager.

Hindi naman naging mahirap ang operasyon. Nakauwi agad ng bahay pagkatapos si Yda. "Syempre, masakit nung una pero, napapawi ito ng pain reliever. Two days naka-bandaged ito pero, okay na ngayon. Para ngang walang nangyari. Kailangan ko lamang ay pag-ingatan na huwag itong mababangga. Mga ilang weeks lang naman, tapos balik na ako sa mga normal activities ko,"dagdag pa ng sexy star na kakaunti ang nakakaalam ay nakapagtapos ng kolehiyo sa University of San Carlos sa kursong AB English major in Literature.

She would have paid more than P100,000 for the operation pero dahil nagsilbi siyang sample for breast enhancement para kay Dra Vicky Belo, wala siyang binayaran kahit singko sa doktor at maging sa clinic.

After Holy Week, magsisimula na si Yda ng shooting ng Biyahera para sa FLT Films.
*****
Sa Easter Sunday pala ay pull out na ng Maynila ang stars and crew ng pelikulang Munting Tinig na ipo-prodyus ng TeamWork Productions. Sa Lucban, Quezon kukunan ang pelikula na ididirihe ni Gil Portes at pangungunahan ni Alessandra de Rossi kasama sina Gina Alajar, Amy Austria, Lorli Villanueva at mga kabataan na hindi bababa ang bilang sa 15 na nakuha sa isang audition na isinagawa para sa movie.

Ang pelikula ay tungkol sa isang 19 na taong gulang na newly-graduate na teacher sa isang malayong probinsya na naisipang magtayo ng isang singing group na sinanay niya for a musical competition. Nanalo naman sila.

Ngayon pa lamang ay panay na ang pagpapraktis ni Alessandra ng pagkumpas bilang paghahanda sa kanyang role sa nasabing movie. Panay din ang pagsasanay sa pagkanta ng mga napiling bata.

Kinonsider din si Vina Morales for the role pero lubhang mataas ang presyo na hinihingi niya kaya hindi siya kinuha. Mabuti na rin dahil hindi siya bagay maging isang teacher sa isang rural area dahil namimintog ang kanyang mga muscles.

Show comments