^

PSN Showbiz

Isang deboto ni Maria

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Kilala si Baby Nebrida bilang isang batikang scriptwriter. Pero para sa mga hindi taga-showbiz, bihira ang nakakaalam ng kanyang pagiging relihiyosa at isang tunay na deboto ng Mahal na Birhen Maria.

Sa kanyang debosyon sa Mahal Na Ina, ay nagawa nga ni Baby Nebrida ang magkaroon ng isang prusisyon sa New York City, kung saan iba’t ibang imahen ng Birhen mula sa malalayong bansa ang dumating at sumali sa international Marian procession na ‘yon.

Napanood pa namin ang nasabing malaking worldwide event at talaga namang isang milagro na napagtipon lahat ni Baby ang mga taong lumahok doon at mga magagandang imahen ng Mahal na Birhen.

Sa bahay ni Baby Nebrida sa Xavierville ay na-convert niya sa isang di-kalakihang prayer room ang malaking bahagi ng kanilang garahe. Doon makikita ang naggagandahang mga statuettes ni Virgin Mary mula sa iba’t ibang bansa. Tinipon niya ito sa kanyang paglalakbay sa Europa at Amerika.

Meron isang replica ng Lady of Fatima si Baby na naglalangis. May mga araw na talagang malakas ang daloy ng langis sa imahen. Sa may paniniwala o pananalig sa ating Mahal na Birhen, sapat na ang langis na ito upang makagaling sa kanilang mga karamdaman.

Ang mga nakakarating pa lamang naman doon ay mga kaibigan ni Baby in and out of showbiz. Kasi naman isang pribadong lugar ito, pero hindi naman ipinagkakait kung sino ang gustong magsadya doon at manalangin.

Ngayon ngang Domingo de Ramos o araw ng palaspas, na siyang simula ng Holy Week, ay mayroong day of prayer and recollection kina Baby Nebrida sa Xavierville. Maliit lamang ang lugar kaya’t hindi magkakasya ang maraming tao. Kung kilala ninyo si Baby at interesdo kayong magpunta doon sa ibang araw upang makita ang kanyang Marian collection at makapagdasal doon, puwede naman ninyo siyang tawagan sa telephone no. 426-0596.

Lalo pa ngayong Semana Santa at mahaba ang bakasyon, tiyak bukas ang bahay ni Baby sa mga kakilala (siguro pati ang mga interesado) upang makapanalangin doon. Lalo pa’t malapit lang kayo sa Xavierville maaari kayong tumawag kay Baby Nebrida.
* * *
Isa pang maaaring pasyalan ngayong Holy Week ay ang puntod ni Bishop Alfredo Ma. Obviar, ang unang Obispo ng Lucena at siyang nagtatag ng Institute of the Missionary Catechist of St. Therese of the Infant Jesus.

Si Bishop Obviar ay candidate for sainthood at nagsimula na ang mga kilusan upang maidaos ang kanyang Beatification, ang unang hakbang para maging santo. Kapag beatified na siya tatawagin na si Bishop Obviar na Blessed Alfredo Obviar. Susunod na rito ang canonization, kung kailan magiging ganap na Santo siya ng Simbahang Katoliko.

Ang kanyang mga labi ay nandoon sa Missionary Catechists of St. Therese of the Infant Jesus sa 4327 Tayabas, Quezon. Marami ng mga taong nagpatunay ng mga milagrong dulot sa mga nagdasal at humingi ng tulong doon sa puntod ni Bishop Obviar.

Isang tunay na banal noong nabubuhay pa siya, si Bishop Obviar ang dating auxillary Bishop ng Lipa noong panahong inimbestigahan ang milagro ng Our Lady of Mediatrix doon sa Carmel Convent. Siya ang unang residential Bishop ng Lucena City.

Dinadayo ang puntod ni Bishop Alviar sa Tayabas, Quezon. Doon ay may kumbento ng mga madre na very hospitable at talagang inaasikaso ang mga taong nagpupunta doon. May mga matitirahan pa roon para sa mga gustong mag-overnight.

Pagkatapos manalangin, marami namang magagandang beaches sa Quezon, kaya’t puwede na rin mag-relax doon kahit isa o dalawang araw lang.
* * *
Ang aking dasal, sana’y mapayabong natin ang mga bagay na ispiritwal ngayong Holy Week. Iba kasi kung malakas at matatag ang ating mga ispiritu, lahat kaya nating gawin at kahit ano pang pagsubok kayang-kayang harapin.

vuukle comment

BABY

BABY NEBRIDA

BIRHEN

BISHOP

BISHOP OBVIAR

DOON

HOLY WEEK

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with