Eh, ano kung may anak ang artista
March 23, 2002 | 12:00am
Matatandaang naintriga si Jericho Rosales na may anak. Sa kabila ng mga lumabas na negative write-ups hindi ito naging sagabal sa kanyang pagsikat. Ngayon, si Piolo Pascual naman ang nahaharap sa intriga na may tinatagong anak.
Sa kabila ng balitang may anak na umano si Piolo, marami rin ang naniniwala na hindi ito makakaapekto sa kasikatan ng aktor. Very vocal ang mga tagahanga ni PJ sa kanilang admiration at wala raw dahilan para isantabi ang kanilang paghanga. Sabi nila never mawawala ang kanilang suporta kahit ano pa man ang dumating na intriga sa kanilang idolo.
Maraming magagaling na aktor ang naintrigang may anak na sa kabila ng pagiging binata. May mga lumantad at umamin pero marami rin ang nag-deny. Syempre, unang nagsa-suffer ang career lalo pat sila ang pinapantasya ng mga fans. Pero habang tumatagal ay nag-iiba ang tingin ng mga tagahanga at nagma-mature silang tanggapin kung anuman ang katotohanan sa kanilang iniidolo. Patunay lamang ito na iba na ang mga fans ngayon. Hindi sila basta-basta nagpapadala sa mga paninirang lumalabas sa kanilang idolo.
Siguradong may mga magco-comment na mawawalan ng projects si Piolo dahil sa intriga. Pero ang totoo bukod sa kanyang avid fans, buong suporta ang ipinapakita ng Star Cinema at ABS-CBN management kay Piolo ke totoo man ang intriga o hindi. Tuloy-tuloy pa rin ang kanyang endorsements na malapit nang i-launch at mga pelikula na kasalukuyan niyang ginagawa.
Sa ASAP last Sunday, ini-launch ang summer station ID ng ABS-CBN. Positive feedback dahil sa magandang pagkakagawa nito. Halatang pinaghandaan ito ng husto dahil hindi biro na pagsamahin ang mga kilalang artista na bahagi nito.
Nakakatuwang panoorin na napagsama-sama ang mga naglalakihang pangalan sa industriya tulad nina Dolphy, Sharon Cuneta, Pops Fernandez, Maricel Soriano, Richard Gomez, Gretchen Barretto, Coney Reyes, Aga Muhlach, Martin Nievera, Charo Santos-Concio at marami pang iba kasama ang mga sikat na Talent Center artists na pawang may mga regular shows sa bakuran ng Dos. Ilan lamang sa kanila ay sina Jolina Magdangal, Kristine Hermosa, Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Bernard Palanca, Dominic Ochoa, Marvin Agustin, Rico Yan at Claudine Barretto.
Isang buong araw kinunan ang nasabing station ID na kinunan sa ibat ibang lugar sa 9501 building ng ABS-CBN. Pinaka-highlight ay ang all-star cast na kinunan sa rooftop ng bagong gawang gusali kung saan pinamahalaan ito ni Johnny Manahan. Ang "Free" song na napasali sa "Jam Himig Handog" interpreted by Roselle Nava ang kantang nilapat para mas lalong maging maganda ang theme ng station ID.
Sa mga darating pang araw, mapapanood ang ibat ibang version ng station ID.
Lalong naging kapana-panabik ang soap opera na Sa Dulo ng Walang Hanggan at Pangako Sa Yo dahil sa mga bagong karakter na nagbibigay interes sa mga masugid nitong manonood.
Sa Sa Dulo... patuloy ang karakter ni Gretchen Barretto bilang Andrea na nagustuhan ng lahat. Wala pa ring kupas ang ganda at galing ng aktres kaya naman marami muli ang interesadong kunin ang kanyang serbisyo.
Noong nakaraang Lunes, ipinakilala naman si Ina Raymundo na gugulo ng buhay ni Amor at Eduardo na ginagampanan nila Eula Valdez at Tonton Gutierrez. Siya ngayon ang bagong kaiinisan ng mga televiewers habang unti-unting mawawala ang karakter ni Jean Garcia dahil sa pagdadalantao nito.
Bagamat kontrabida ang role, nagustuhan ni Ina ang kanyang character kaya naman hindi niya ti-turn down ang offer.
For comments and feedback, you can e-mail at [email protected].
Sa kabila ng balitang may anak na umano si Piolo, marami rin ang naniniwala na hindi ito makakaapekto sa kasikatan ng aktor. Very vocal ang mga tagahanga ni PJ sa kanilang admiration at wala raw dahilan para isantabi ang kanilang paghanga. Sabi nila never mawawala ang kanilang suporta kahit ano pa man ang dumating na intriga sa kanilang idolo.
Maraming magagaling na aktor ang naintrigang may anak na sa kabila ng pagiging binata. May mga lumantad at umamin pero marami rin ang nag-deny. Syempre, unang nagsa-suffer ang career lalo pat sila ang pinapantasya ng mga fans. Pero habang tumatagal ay nag-iiba ang tingin ng mga tagahanga at nagma-mature silang tanggapin kung anuman ang katotohanan sa kanilang iniidolo. Patunay lamang ito na iba na ang mga fans ngayon. Hindi sila basta-basta nagpapadala sa mga paninirang lumalabas sa kanilang idolo.
Siguradong may mga magco-comment na mawawalan ng projects si Piolo dahil sa intriga. Pero ang totoo bukod sa kanyang avid fans, buong suporta ang ipinapakita ng Star Cinema at ABS-CBN management kay Piolo ke totoo man ang intriga o hindi. Tuloy-tuloy pa rin ang kanyang endorsements na malapit nang i-launch at mga pelikula na kasalukuyan niyang ginagawa.
Nakakatuwang panoorin na napagsama-sama ang mga naglalakihang pangalan sa industriya tulad nina Dolphy, Sharon Cuneta, Pops Fernandez, Maricel Soriano, Richard Gomez, Gretchen Barretto, Coney Reyes, Aga Muhlach, Martin Nievera, Charo Santos-Concio at marami pang iba kasama ang mga sikat na Talent Center artists na pawang may mga regular shows sa bakuran ng Dos. Ilan lamang sa kanila ay sina Jolina Magdangal, Kristine Hermosa, Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Bernard Palanca, Dominic Ochoa, Marvin Agustin, Rico Yan at Claudine Barretto.
Isang buong araw kinunan ang nasabing station ID na kinunan sa ibat ibang lugar sa 9501 building ng ABS-CBN. Pinaka-highlight ay ang all-star cast na kinunan sa rooftop ng bagong gawang gusali kung saan pinamahalaan ito ni Johnny Manahan. Ang "Free" song na napasali sa "Jam Himig Handog" interpreted by Roselle Nava ang kantang nilapat para mas lalong maging maganda ang theme ng station ID.
Sa mga darating pang araw, mapapanood ang ibat ibang version ng station ID.
Sa Sa Dulo... patuloy ang karakter ni Gretchen Barretto bilang Andrea na nagustuhan ng lahat. Wala pa ring kupas ang ganda at galing ng aktres kaya naman marami muli ang interesadong kunin ang kanyang serbisyo.
Noong nakaraang Lunes, ipinakilala naman si Ina Raymundo na gugulo ng buhay ni Amor at Eduardo na ginagampanan nila Eula Valdez at Tonton Gutierrez. Siya ngayon ang bagong kaiinisan ng mga televiewers habang unti-unting mawawala ang karakter ni Jean Garcia dahil sa pagdadalantao nito.
Bagamat kontrabida ang role, nagustuhan ni Ina ang kanyang character kaya naman hindi niya ti-turn down ang offer.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended