"Malaki rin naman ang kita ko bilang DI. Mga P400 per hour ang bayad sa akin, pwera pa rito ang libreng drinks. Karamihan sa mga nagiging kliyente ko ay mga generous naman kaya malaki rin ang take home pay ko. Di bababa sa P3,000 a night," anang sexy star na kasama sa cast ng Masarap Ba Ang Bawal? ng Sunlight Films, under the direction of Roland Ledesma.
"Sinubukan ko naman. Pumunta ako ng Maynila. Parang namamasyal lang. Nakituloy ako sa bahay ng isang kaibigan. Nagdi-re-diretso na. Ni hindi na ako pinag-workshop.
"Bida agad ako sa Mapanuksong Hiyas katambal si Ricky Davao. Di ko expected na magbu-bold ako. Ang alam ko nung una, wala akong sexy scene pero, nung ika-9th day, pilit na akong pinaghuhubad. Ayoko nung una pero, sinabi sa akin na hindi ako mababayaran kung hindi ako susunod kaya, ayun, nagkaroon ako ng shower scene.
"Noon at hanggang sa ngayon naman, nagsi-sexy ako for the money. Pero, hindi pa ako nagtu-totally nude. Hanggang boobs lang ang ipinakikita ko," dagdag pa ni Camille na ang asset pala talaga bukod sa maganda niyang mukha ay ang kanyang malusog na boobs na aniya ay hindi pinaunlad ng siyensya. Natural ang laki nito. "Kung may ipababago sa katawan ko, ito ang puwet ko. Gusto kong palakihin para bumagay sa boobs ko," aniya.
Ang role niya sa Masarap Ba Ang Bawal? ay asawa ni Mike Magat na nagkaroon ng relasyon kay Pyar Mirasol. Mayroon silang mainit na love scene. Ganun din si Pyar kay Mike at pati na kay JC Castro.
Mataas na si Pia sa gulang na 14 na taon. Tumatayo na siya ng 5"5' at nagsabing gusto niyang mag-join ng beauty contest. Sa kasalukuyan ay paborito siyang cover girl ng mga magasin para sa bagets gaya ng Candy Magazine. Modelo rin siya ng Her Bench at Avon.
Sixteen years old naman si Bea na anak ng isang British father and a Filipino mother. Katulad ni Pia, malaki ang potensyal niya na maging isang beauty queen. Katunayan, nadiskubre siya nang maging runner-up siya sa Bb. Santolan. Nakasama siya sa Batch 10 ng Star Circle. She is currently making the rounds in various ABS-CBN shows.