Lito Lapid tatakbong mayor sa 2004
March 22, 2002 | 12:00am
As of presstime, halos opisyal na, na si Mark Lapid, anak ng Pampanga Governor na si Lito Lapid ang tatakbong gobernador sa Pampanga sa year 2004. Medyo malayo pa ito pero ngayon pa lang, desidido na talaga si Mark na balang araw, siya ang papalit sa kanyang ama sa posisyon bilang ama ng lalawigan nila.
By the way, Mikey Arroyo, who is now the current vice governor of Pampanga is said to be just running for a congressional slate one of the districts of the province.
Does this mean na sumuko na siya sa mga Lapid?
Hindi ba, there was a time na matunog ang tsismis na inaagaw na ni Mikey ang papel ni Gob. Lito Lapid?
Not true, ayon sa mga nakausap naming taga-kampo ni Lito Lapid. Ayon sa mga ito, nagrerespetuhan sina Gob. Lito at Vice Mikey. Kung sakali mang nagkaroon ng brouhaha in the past, yun ay gawa-gawa lang daw ng mga taong nais na manira ng kapwa-tao.
"Basta ngayon, si Mark ang tatakbong gobernador. Marami pang puwedeng mangyari bago dumating ang panahong yun pero dalangin namin na sana matuloy ito. Wala nang ibang taong naisip na puwedeng magbigay-halaga sa Pampanga gaya ng pagpapahalaga ni Lito Lapid dito kundi mismong kadugo niya," sabi pa ng kausap naming taga-Kapitolyo ng Pampanga.
By the way, hindi parin daw iiwan ni Lito ang pulitika kapag dumating ang panahong ito. Ngayon pa lang, nagbabalak na si Lito na tumakbo bilang mayor sa siyudad ng Angeles. Marami raw kasing mga taga-siyudad na ito ang nagre-request na sila naman ang bigyan-pansin ni Gob. "Naniniwala raw silang magiging maunlad ang siyudad na ito kapag si Lito na ang nanalong mayor dito.
Sana nga, sana nga!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended