Spoof ng gameshow sa 'Ispup'

Gaano kaya kasaya kung magsasama-sama ang mga gameshows sa iisang comedy show? Abangan ngayong 8:30 ng gabi sa ABC 5 ang ika-3 taong anniversary special ng Ispup – dahil mga paborito ninyong gameshows ang tampok rito.

Sa kakaibang presentation na ito ng Ispup, mapapanood ninyo ang mga batikang manggagaya sa mundo ng komedya at showbiz na makiki-join sa gameshow mania. Kasama sa mga listahan ang gameshows gaya ng dalawang regular Ispup segments ang "Will Of Fortune" kung saan maglalaro sina Erap (the role which master impersonator Willie Nep is famous for) at ang kanyang mga anak na played by the Jinggoy, JV and Jude look-alikes’ at ang "The Priest is Right" kung saan si Cardinal Sin ang host, na mas feel pa ang mag-preach kaysa mamigay ng premyo, while todo pa-cute naman si cardinal si Booba Mae (Selina Sevilla).

Show comments