Topic ng masaya nilang kwentuhan yung ilang mga bold films na napanood nila nung Sabado, araw ng pahinga nila.
Gandang-ganda sila sa katawan ng mga artistang babae na lumabas sa pelikula. Tinanong nga nila ako kung hindi raw ba natutuloy ang mga eksenang ginagawa nila sa pelikula matapos na gumiling ang kamera. Mahirap daw kasi mapalamig ang init once na nasimulan na ito. Obviously, di sila naniniwala na there is such a thing as cinematic love scenes. At yung total nudity na ipinakita ng aktres na bida sa isang pelikulang napanood nila ay hindi raw pala ganun ka-exciting. Mas gusto pa nila yung may damit ang babae at basa lamang ang damit. O kaya ay nasisilip lamang ang tagiliran ng boobs nito. Ayaw nila nang nakikita ang kabuuan nito nang walang takip. Okay lang na makita minsanan pero, hindi na raw thrilling sa ikalawa o ikatlong pagkakita.
Aware dito ang Sunlight Films kaya naman sa kanilang latest movie na pinamagatang Masarap Ba Ang Bawal?, pasisilipin lamang nila ang mga manonood sa mga maiinit na love scenes ni Pyar Mirasol kasama sina Mike Magat, JC Castro at maski na si Bob Soler. Ganundin si Camille Roxas na may lovescene kay Mike Magat. Syempre, dahil bold ang movie na tumatalakay sa bawal na pag-ibig, bold din sina Pyar at Camille pero, wala silang total nudity, hanggang breast exposure lamang.
Ang Masarap Ba Ang Bawal? na nasa direksyon ni Roland Ledesma ay kinunan sa Romblon ng kulang kulang sa isang buwan. Nakapture ng pelikula ang kagandahan ng lugar na ngayon lamang mangyayari. Nakapag-shooting na sa Romblon before ang maraming produksyon pero, ang ginamit na lokasyon ng Masarap... ay magiging bago sa paningin ng mga manonood.