Totoo marahil ito. Pinakamagandang halimbawa si Alma Moreno na simula nang makipaghiwalay sa kanyang asawa ay hindi na napahinga ang isip, palagi siyang may ginagawa.
Mamayang gabi, Mar. 21, 9:00, may gaganapin siyang concert sa Downtown ng Hotel Rembrandt na pinamagatang Heart & Soul. Makakasama niya sina Leonard Obal, Raffy Chan at the Kit Kats, sa direksyon ni Andrew de Real. Expect new jokes, musical numbers at especially choreographed dance ni Alma na tinawag nung "Tanga Queen" at "Loveliness" ng kanyang mga tagahanga.
Tawagan si Lilibeth Peña para sa mga tiket (0916-3255088). Makakabili rin sa Rembrandt Hotel.