Ruffa, Philip, Bong & LT host sa FAP Awards Night

Ang apat na nabanggit na artista ang host ng gaganaping 20th FAP Awards Night sa Sabado, Marso 23, sa UP Theater. Mapapanood ito ng live sa RPN 9. May cocktails sa ika-6 n.g. at magsisimula ang show sa ika-8:00.

Anchors sina Boy Abunda at Nanette Medved samantalang si Charlene Gonzales ang magsisilbing trivia host.

Ang FAP ang kahalintulad ng Hollywood’s Oscar. Mga miyembro ng industriya ang nagno-nominate at bumoboto sa kanilang mga kasamahan.

Ang opening number ay bubuuin ng cast ng Miss Saigon (Bimbo Cerrudo, Miguel Vera, Pinky Amador) kasama sina Vhong Navarro, Joshua Zamora, Jhong Hilario, Regine Tolentino, Lana Asanin, The Manouevres, VIP Dancers at Jackielou Blanco.

Kasama rin sina Rannie Raymundo, Dessa, Bojo Molina, Jao Mapa, Nancy Castiglione, Paula Peralejo, Antoinette Taus at Aiai delas Alas.

Sina Bituin Escalante, RJ Rosales, Dax Martin at Geneva Cruz ang aawit ng mga di malilimutang movie theme songs nina Ryan Cayabyab, Henry Manzini, Michel Legrand at George Canseco.

Vying for best pictures are: Star Cinema’s Bagong Buwan and Mila, Viva’s Abakada... Ina, M&Q’s Yamashita at Hubog ng Good Harvest.

Show comments