Nasa ika-apat na taon na ang Snack na nagbibigay ng alternative outdoor activities para sa mga kabataang may edad 7-13. Ito ay brainchild ng journalist/artist manager na si Bibsy Carballo who has since made it her cause to develop and instill in young kids a healthy regard for the environment.
Ang mga activities this year ay sailing and kayaking, mountaineering, trekking up Mt. Talamitam, pottery, tie-dyeing, star gazing, photography, a visit to a plant nursery at ang LUBID teambuilding adventure games.
Maaaring magpa-rehistro sa tel. nos. 7210801, 7241762 at 7267164.
Bagaman at nagkatotoo yung hinulaan niyang lindol nung huli ko siyang nakausap, nalulungkot ang magaling na psychic na may mga namatay at nagkaroon ng malaking pinsala ito sa mga taga-Mindanao. Ito ang madalas na maging reaksyon niya sa mga hula niya na nagkakaroon ng kaganapan.
Bago pa siya magdaos ng sabbatical na kalimitan niyang ginagawa tuwing Mahal na Araw, pinilit na namin siyang magbigay ng kanyang mga predictions tungkol sa ilan nating mga artista.
Sinabi niyang taon ni Robin Padilla ang 2002 sa pelikula o pera. Pero, sa ayaw at gusto niya may mga babae na darating sa kanyang buhay na hindi niya maiiwasan.
May darating naman daw na pag-ibig kay Regine Velasquez sa taong ito.
Mananatili naman sa kanyang kinalalagyan si Judy Ann Santos. Habang sinisiraan siya ay lalo siyang magtatagumpay.
Pag-ibig naman ang magiging dahilan para tumamlay ang napakasiglang career ni Jolina Magdangal. Nasasa kanya kung alin sa dalawa ang pipiliin niya.
Patuloy na magiging matatag ang relasyon ng mag-aasawang sina Cesar at Sunshine, Aga at Charlene. May mga celebrity relationships pa ang mawawasak na ang dahilan ay 3rd parties.
Sina Senador Robert Barbers at civic leader Jonathan Navea ang nagbigay sa kanya ng pagkilala.
Na-appoint din si Uno ng DECS bilang official youth spokesperson. Pupunta siya sa mga schools and universities para sa promosyon ng kahalagahan ng edukasyon.