Iisa pa lamang ang pelikula niya, ang
Cool Dudes ng
Regal Films, malakas na kalaban ng kumpanya na nagpasikat sa kanya, ang
Star Cinema. Nadiskubre nila siya habang nanonood siya ng
G-Mik Nation Tour at isinama sa
Star Circle Batch 9. She has since been a part of
Da Body en Da Guard, MTB at nakapag-guest na sa mga programang
Wansapanataym, Arriba!, Arriba! at
Flames. Pero, ang performance niya sa "Gown" episode ng
Maalaala Mo Kaya ang naging dahilan para mabigyan pansin siya at nagsilbing tulay para makilala siya ng press at gawin siyang nominee sa katatapos na
Star Awards for Movies sa kategorya ng
New Movie Personality of the Year. Siya si
Angelene Aguilar, 15 taong gulang, may taas na 55" at nasa unang taon ng high school Sa
Distance Learning Center ng
ABS CBN. Ang pambayad niya sa iskwela ay sa kinikita niya galing pero ito ay desisyon niya bagaman at kayang-kaya siyang papag-aralin ng kanyang mga magulang. Dadalawa lamang silang magkapatid at ang kanyang ama ay isang computer programmer sa US.
"Ayaw ng father ko na mag-artista ako dahil baka masira raw ang pag-aaral ko. Pero, talagang pinilit ko ang mom ko na payagan ako. Umiyak ako nang umiyak para lamang payagan niya," kwento ng batang artista na nakikita rin sa mga print ads ng ilang beauty products.
Katulad ng mga kaedad niya, mayroon na ring crush si Angelene at ito ay ang international teen star na si
Billy Crawford.
Nakatutuwa na muling makita kahit man lamang sa small screen si
Keempee de Leon. Isa si Keempee na maituturing na multi-talented magaling na aktor, drama man o komedi, at singer. Nakapanghihinayang na hindi niya nagagamit ng husto ang mga talinong ito gayong mayroon naman siyang malalakas na koneksyon. Sana ay hindi siya yung tipo na ayaw humingi ng tulong sapagkat maraming katulad niyang may talino na kinailangan ang mahabang tulungan para marating ang tagumpay. Dalawa lamang sa kanila sina
Rudy Fernandez at
Robin Padilla.
Marami ang umaasam na sana ay magtuluy-tuloy na siya ngayon. Kasali siya sa
Klasmeyts.