"Actress na si Ina, at hindi mapapasubaliang creation siya ni Jojo. Kahit naman siguro, hindi mapasalamatan ni Ina si Jojo, alam naman ng lahat na kaya siya na sa showbiz ay dahil kay Jojo.
"But that is not the point. Ang totoo, labis na ikinatuwa ni Jojo na nanalo si Ina.
Natural, ipinagmamalaki niyang hindi lang naman si Ina ang nagawa niyang aktres, hindi ba?" sabi pa ng staff ni Jojo Veloso.
Totoo nga naman! Kahit nawala na rin si Ana Capri sa kuwadra ng starbuilder na ngayon ay isa nang lingkod-bayan, hindi rin mapapasubaliang si Jojo rin ang dahilan kung bakit kinilala siyang aktres.
The same is true of Jojos male wards gaya nina Carlos Morales at Paolo Rivero. Kahit paano, kinilala na rin namang aktor ang dalawa dahil sa mahusay nilang pagganap sa ilang pelikulang nagawa nila. In fact, isa ng aktor na de-kalibre si Carlos na balang araw ay maging isang Cesar Montano.
"Kaya nga kahit paano, nagmamalaki si Tito Jo. Last time na nag-usap kami, sabi niya, wala na siyang mahihiling pa dahil hindi naman nasayang ang pinagpaguran niya. Siguro raw, hindi na siya mabubura sa showbiz kahit na nagle-lay low siya ngayon in favor of politics.
"Tiyak, ngayong nanalo na rin si Ina Raymundo, masayang-masaya siya," sabi pa ng kausap namin.
At si Aya Medel naman, nanatiling nasa kuwadra pa rin ni Jojo kahit na paminsan-minsan na lang ang tawag niya mula sa mga producers. Aya wants to think that she too, can be as lucky as Ana and Ina who are already aknowledged as actress in the local movie industry.
The same is also true of Via Veloso na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng isang role na magbibinyag sa kanya bilang isang tunay na aktres.
Dumating pa kaya yun? CESAR PAMBID