"Hindi ko nga alam na susunod agad pala to," said Angelika after the presscon. "Akala ko next month pa ang showing nito," she added.
Six-picture ang contract ni Angelika sa Viva.
Anyway, she confirmed na wala sa career plan niya ang bare sa pelikula. "Hindi po. Sa lovescene namin ni Robin, wala namang nakita. With Andrew, kissing scene lang."
Isang blind si Angelika sa pelikula matapos siyang maaksidente kasama ang boyfriend niya played by Michael Flores. Si Andrew E (George) ang nakakita sa nasabing aksidente at para makilala ang victim, kinuha niya ang wallet at doon niya nakita ang picture ni Angelika (Wendy).
Dahil sa aksidente, nabulag si Wendy kaya nagawang mag-pretend si George na tall, dark and handsome siya. Ipinagdarasal niya rin na wag na lang sanang makakita si Wendy - hindi raw kasi sila bagay kung makikita siya nito.
Nagkaroon ng conflict nang makakita uli si Wendy. Pero hindi niya yun sinabi kay George at nang makita niya in person si George, may kiss mark ito kaya nagalit siya. Naging way din yun para malaman niya na nakakakita na si Wendy.
In the end kaya magkakatuluyan sila? Well, panoorin nyo na lang ang pelikula.
Tungkol naman sa issue na nilayasan niya ang tatay niya sa Malabon, ayon kay Angelika, "hindi totoo yun. Pinagagawa kasi namin yung bahay namin don so hindi puwedeng tirahan. Nasa nanay ko naman ako ngayon. Eh kung naglayas ako, di hindi na ako nakabalik don habambuhay," natatawang sabi Angelika.
Nagkaroon kasi ng issue na naglayas siya kamakailan dahil na-in love na raw siya kay Robin Padilla. "Eh di kung ginawa ko yun, hindi na ako pinabalik ng tatay ko," she said.
Six bedroom ang nasabing bahay dahil once na matapos, don lahat sila titira. Mommy, dad at tatlong kapatid niya kaya pinalalaki ang bahay.
At any rate, with Andrew E and Angelika in S2pid Luv are Blakdyak and Maui Taylor. Salbakuta, the rap band behind the hit song "S2pid Luv" is also featured in this movie under the direction of Al Tantay and set to kick off on April 10.
Actually, sa amateur singing contest sa TV nagsimula si Lukas, sa Bagong Kampeon. Naipanalo niya ang "Kastilyong Buhangin" ni Basil Valdez at part ng prize ang isang course ng voice lesson sa Center for Pop Music Philippines na nagbigay ng chance sa kanya para lalong ma-improve ang kanyang singing talent.
Self-titled ang debut album niya with the carrier single "Namumuro Ka Na" under 8 Records and distributed nationwide ng BMG Records. Nagkaroon ito ng formal launching last week sa Hard Rock Cafe.
May mga nagsasabi na ka-boses niya sina Renz Verano and April Boy Regino. Pero ayon kay Lukas, gusto niyang makilala sa sariling pangalan tulad ng kanyang mga idolo.
At any rate, available na sa lahat ng record bars ang kanyang album.
Aside from Judy Ann, kinausap din daw ng Star Cinema si Direk Joel Lamangan para sabihin na may natitira pa siyang dalawang project sa kanila na kailangan niyang gawin. Pero hindi rin daw nila na-convince si Lamangan na talikuran ang project niya sa Viva, ito nga ang Magkapatid. Medyo nag-isip daw si Direk Joel dahil kung kelan naman siya may gagawin saka pa sasabihin ng Star Cinema na may gagawin din siya.
Ganito ang nangyari sa kaso ni Lorna Tolentino. Kung kailan naman niya tinanggap ang offer ng GMA 7 na makasama sa isang soap opera, saka naman sasabihin ng ABS-CBN na meron pa siyang existing contract with them noon pang gawin niya ang Star Drama Presents... Lorna Tolentino. Ngayon daw, may gagawin na ring soap opera si Lorna sa ABS-CBN.
Para yatang ang tagal na nong contract na yun. Bakit ngayon lang nila bibigyan ng soap si Lorna samantalang ang tagal na walang regular TV appearance ni LT? Bakit kung kelan may offer siya sa GMA saka pa sasabihin na may contract siya. Si Lorna nga limot na may contract pa siya?
Bakit yata consistent ang ABS-CBN sa ganito? Kung kelan may gagawin saka nila sasabihin na may contract pa sa kanila.