Andrew, "suntukin" kaya uli ni Robin ?

Tama yung sinabi ni Robin Padilla na kung totoo ang romansa nila ni Angelika dela Cruz ay itatago’t itatago nila ito. Hindi ito pinagpipistahan ng mga tsismoso’t tsismosa. Totoo, sapagkat sa Marso 30 pa ang showing ng kanilang movie na Hari Ng Selda sa Viva Films, pero ang pagtatatwa sa isang relasyong hihigit pa sa magkapareha sa pelikula ay namumutawi na ngayon sa kanilang mga bibig. Let us just hope that the moviegoers will look at the merits of their film at hindi sa kung may relasyon nga sila o wala.

Samantala, marami ang interesadong malaman kung magiging maswerte uli bilang isang leading man ang comedian/rapper na si Andrew E. Mahalikan kaya niya si Angelika na siyang latest partner niya sa S2pid Luv, ang pelikulang komedi tungkol sa dangers of falling blindly in love? Kasama ng dalawa sa movie ang isa pa ring comedian/singer na si Blakdyak.

Hindi maipagkakaila na marami na ring nakapareha si Andrew E. At hindi naman sila matatawag na basta-basta. Katunayan, nangunguna sila sa talaan ng mga pangunahing aktres sa bansa. Marami sa kanila ay nahalikan ni Andrew E. Hindi kataka-taka kung asahan din ito ng manonood sa kanila ni Angelika na sa presscon ng kanilang pelikula ay nagsabi na papayag siya kung ito ay hihingin sa istorya.

Hindi raw kaya siya "suntukin" muli ni Robin? Sariwa pa rin sa isipan ng marami nang gawin ito sa kanya ni Robin, nang suntukin siya nito dahil hinalikan niya si Nanette Medved sa kanilang ginagawang pelikula. Nagselos si Binoe for obvious reason at the time.

"Hindi naman niya ako sinuntok. Tinapik lamang ng mahigpit sa balikat," pagtatanggol ni Andrew kay Binoe.

"Walang dahilan para siya suntukin ni Robin," susog naman ni Angelika, "wala talaga kaming relasyon ni Robin," dagdag pa niya.

Ang S2pid Luv ay tungkol kay George, isang manggagawa sa isang junkyard na nangangarap sumikat bilang rapper. Kaibigan niya si Bin (Blakdyak), isa ring hindi nakatapos ng pag-aaral pero napaka-creative at nagagawang makapag-imbento ng mga mapakikinabangang mga bagay na napupulot niya sa junkyard.

Si (Wendy) Angelika naman ay nakatakdang magpakasal sa kanyang boyfriend (Michael Flores) nang maaksidente sila habang nagde-deliver ng invitations. Si Andrew ang nagdala sa kanila sa ospital. Minor lamang ang injuries ng lalaki pero nabulag si Angelika dahilan sa aksidente.

Hindi na nakita ni Wendy ang bf niya. Ang nagpapasaya lamang sa kanya ay ang kapatid niya (Maui Taylor) at ang magkaibigang George at Bin. Niligawan ni George si Wendy. Hindi niya sinabi rito na pangit siya. Nagpanggap siyang tall, dark, handsome and rich na kinunsinti naman ng kapatid nito para lamang lumigaya ang bulag na kapatid. Lingid sa kanya, mayaman si Wendy.

Dumating ang mga magulang ni Wendy at ipinaopera siya. Samantala, si George ay pinainan ng babae ng ex-bf ni Wendy na nagbalik para bawiin ito.

Ka tulad ng ibang fairy tale o feel good movie, naayos lahat ng gusot, naging successful rapper si George at nakapag-record ng album. At nakasal sila sa huli.

Ang S2pid Luv ay nasa direksyon ni Al Tantay.

Sa mahiligin sa slapstick at toilet humor na siya namang hanap ng mga manonood na Pinoy, marami nito sa pelikula nina Andrew E., Angelika, Blakdyak at Maui.

Show comments