Siguroy napangisi si Ara, may katotohanan man o imbento lang ang balita, dahil kung ano ang mga akusasyong ibinato sa kanya ni Aiko ay yun din ang ipinataw ngayon ng ibang tao sa konsehalang aktres.
Kung sasariwain ang mga pahayag ni Aiko ay ganun na lang ang pagdidiin ng politikong aktres sa diumanoy pakikitulog ni Ara sa bahay ni Jomari, bagay na ayaw namang aminin ng seksing aktres.
Sarkastiko ang naging ganti ni Ara sa mga patutsada ni Aiko, "Kung may ipino-promote siyang produkto, e, huwag na lang niya akong gambalain, nananahimik na ako, di ba?" sagot ni Ara.
Lalong nabulabog ang langgaman ni Aiko, "Kung gusto niyang huwag siyang nababanggit, manahimik talaga siya, hindi yung malalaman mo na lang na nakikipagkita pa rin naman siya!" balik-birada naman ng konsehala.
Pero ngayon nga ay pinagpipistahan ang balitang habang nagsasama pa bilang mag-asawa sina Jomari at Aiko ay nakikitulog na rin pala siya sa bahay ni Phillip Palma, isang bata pang negosyanteng nakatira sa Valle Verde 5, na sabiy naging karelasyon ni Aiko.
Lumalabas na mas nauna palang ginawa ng aktres ang mga bagay na ipinaparating niya kay Ara, dahil noon pa ang kay Aiko, samantalang nito lang ang kay Ara.
Opinyon tuloy ng iba ay inunahan lang ni Aiko ang sitwasyon na puwedeng ibato sa kanya ni Ara, kaya mas nauna siyang nagsalita.
Si Ara ay sexy star, gumawa o hindi ng milagro si Ara ay tanggapin na natin ang katotohanang isang bahagdan pababa ang tingin ng publiko sa mga artistang naghuhubad sa harap ng mga kamera.
Aktres si Aiko, at nangunguna pang konsehala sa kanyang distrito sa Quezon City, kaya higit kay Ara ay mapupuruhan ang imahe ni Aiko sa mga ganitong uri ng isyu.
Marami pang malalaking pangarap si Aiko sa mundong pulitika, pausbong pa lang siya ngayon kung tutuusin, kaya tiyak na makakaapekto sa kanya ang isyu ng pakikipagrelasyon sa iba habang nagsasama pa sila ni Jomari.
Hindi naman sa wala nang mawawala pa kay Ara dahil boldstar naman siya, ang mga babaeng nagtatalop sa pelikula ay mga tao pa ring nasasaktan at umaaray, kaya nga lang ay talagang mas malaking kasiraan ang idudulot kay Aiko ng paksa tungkol sa kanila ni Phillip Palma.
Kailangan nang kumilos nang agaran si Aiko ngayon bago pa mahuli ang lahat, patuloy na masusunog ang kanyang pangalan tungkol sa isang isyung personal na tiyakang matatatak sa kanyang pangalan kung hindi niya agad ito matutugunan nang sapat na paliwanag.
Totoo o gawa-gawa lang ang kuwento ay kailangan pa ring magpaliwanag ni Aiko kung mahal niya ang kanyang pangalan at mga pangarap.