Mga pangrap na natupad sa pagsusulat
March 17, 2002 | 12:00am
Bata pa ay pangarap ko na ring magsulat dahil nanggaling naman ako sa angkan ng manunulatpinsan ko ang yumaong si Andy Salao na isang magaling na writer, gayundin si Oscar Miranda na tiyuhin ko naman. Pero, hindi journalism ang kinuha kong kurso kundi pagtuturo. Madalas akong isali ng PNC sa malawakang writing contest ng ibat ibang unibersidad at sa kabutihang palad ay nananalo naman akoyon nga lang laging second place.
Nagturo ako nang sampung taon sa elementary hanggang sa kolehiyo at inabot din ako ng sampung taon. Pero dumarating din pala sa buhay ng isang tao ang pagkabagot kaya nag-iba muna ako ng linya. Nang magtungo ako ng Canada para magtrabaho ay inabot ako roon ng isang taon lang pero dahil hindi rin ako nakatagal sa lungkot kaya nagbalik uli ako ng bansa.
Naalala ko si Kuya Oscar na entertainment editor noon ng Pilipino Star at nag-apply akong maging columnist kasama si Vero Samio bilang assistant editor, Mimi Citco at sa Star Ngayon naman sina Tita Muñoz, Zenaida La Torre at iba pa. Masaya ako sa aming trabaho dahil para kaming magpapamilya. Naging regular ako dito kaya lang, nakasama ako nang magbawas ng kawani ang kompanya noon. Pero nagtagal pa rin ako bilang kolumnista at naging loyal sa pamunuan.
Sa ganitong trabaho, nagkaroon ako ng pagkakataon na makita nang personal ang maraming artista at dito natupad ang una kong pangarap. Hindi lang nakita kundi naging PRO pa ng programa at naging malapit ko na rin silang kaibigan gaya ni Vilma Santos. Dito nagsimula ang pagiging PRO ko ng malaking movie company, ang Solar Films na hanggang ngayon ay naroon pa rin ako.
Dahil sa pagsusulat ay nakita ko rin ang mga paborito kong estudyante noong nasa elementary school pa sila na naging artista na gaya nina Ali Sotto (Aloha Carag) at Tetchie Agbayani (Visitacion Agbayani) na almost fifteen years ko ring hindi nakikita.
Nagkaroon ako ng maraming kaibigan sa showbiz at nadagdagan pa ang self-confidence na kailangan sa isang nagpi-PR. Malaki talaga ang naitulong ng pagiging columnist ko dahil nakilala ako ng mga artista hanggang may lumapit na para magpa-PR o kayay magpa-manage gaya ng naging alaga kong si Rochelle Barameda.
At ang matagal kong di nakikita na ibang mga kasamahan kong nagtuturo sa UE noon, naging daan din ang aking column para malaman nila ang aking telepono at tirahan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay nadugtungan ang naputol na komunikasyon namin ng mga kasamahan kong guro noon. Ngayon kapag gusto naming magkita ay nagtatawagan na lang kami.
Nakilala din kami dahil sa pagsusulat at ito ang naging daan para maimbitahan kami sa mga talk shows hanggang magkaroon nga ako ng segment noon sa Channel 13 (showbiz) bilang co-host ni Vice Mayor Nancy Quimpo. Nagsilbi itong training ground para mahasa pa ako sa pagsasalita. Nabigyan din ako ng pagkakataon ni Ricky Reyes sa kanyang programa sa Channel 9, Beauty School Plus sa segment na "Dear Secret". Nagbibigay ako ng mga payo sa mga letter senders.
Ang pagiging dedicated sa trabaho at honesty (lalo na sa pera) ang naging puhunan ko para maging matagumpay sa bagong larangang pinasok ko na nagsimula sa pagsusulat.
Nakakataba ng puso nga dahil kapag umuuwi ako sa Lucban, Quezon ay tuwang-tuwa sila kapag nababasa ang aking column at ipinagmamalaki ako bilang kababayan nila. Kapag may pagdiriwang dito ay lagi nila akong iniimbita lalo na kapag Pahiyas Festival kaya taun-taon ay kino-cover ko ang pagdiriwang sa pakikipagtulungan sa aming mayor.
Bawat kita ko sa pagsusulat na humantong sa pagpi-PR ay inipon ko at naging masinop ako sa pera. Kapag nakakarinig ako ng ganitong pahayag "Alam mo sosi ka, kaya lang wala ka namang kotse" ay na-challenged ako at naisip na "Im not getting any younger" kaya natupad din sa wakas ang pangarap ko na makabili ng bagong kotse na ang ugat ay ang pagsusulat. Kailangan din kasi na may corporate image ka bilang publicist.
Malaki ang naitulong ng aking panulat dahil naipapahayag ko ang ibat-ibang damdamin di lang sa mga taga-showbiz kundi gayundin sa mga kabataang naliligaw ng landas. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay dumami ang aking mga kaibigan sa ibat ibang sektor ng lipunan.
Higit sa lahat pwede ko bang makalimutan na feeling sikat din ako dahil sa pagsusulat? Kapag nagpupunta ako sa suking restoran, parlor at banko ay nag-uunahan sila sa paglapit sa akin at pinagkakalumpunan ako hindi para magpa-sign ng autograph kundi para itanong kung sino ang aking blind item, o di ba?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended