^

PSN Showbiz

Mga artistang madaldal at walang prenong magsalita

- Veronica R. Samio -
Sa programang Sis (GMA 7, hosted by Janice & Gelli de Belen) ko ba binanggit na enjoy ako sa pagiging isang entertainment writer? Oo, dito nga. Together with four other entertainment writers (Ricky Lo, Aster Amoyo, Lhar Santiago at Julie Fe Navarro) ay naimbitahan kami para ibahagi sa mga manonood ng show at ng telebisyon ang hirap at sarap ng aming trabaho.

Mahirap bang maging isang movie writer, o sa kapayakang taguri ay movie reporter? Kami yung madalas matahin ng marami dahil pinabili lamang daw kami ng suka at pagkauwi namin ng bahay ay nagsusulat na kami (gayong marami sa amin ang tapos ng kolehiyo) ng tungkol sa mga artista. Ito ay dahilan sa ang mga pinagsusulat daw namin ay tsismis lamang at salat sa katotohanan. Imbensyon lamang ng mayaman naming kaisipan.

Tsismis? Ito ang hindi ko matanggap-tanggap sa aking trabaho. Bakit kung mga movie writer ang nagsusulat ang tawag nila ay tsismis? Kahit maliwanag na ang mga sinasabi nilang tsismis ay totoo na sa kalaunan.

Wala naman kaming pinagkaibahan sa mga sumusulat tungkol sa krimen, gobyerno, sports at marami pang ibang beat. Hindi naman imbento ang mga balita namin dahil ang mga ito ay based on facts. Tulad ng pagbubuntis ng artista, ang kanilang lovelife, ang paghihiwalay ng mga mag-asawa at maging nung magnobyo lamang, ang paggamit ng drugs ng marami sa kanila. Ito naman ang gustung-gustong mabatid ng mga mambabasa ng mga tabloid na katulad ng sa amin.

Hindi ang titulo ng latest movie nila o ng kanilang album o single. Nakakabagot lang ito pero, inilalagay na rin kapag natapos nang akitin ang mga mambabasa sa tunay na balita sa artista.

Katulad ng ibang manunulat, nagi-interview rin kami. (Paborito ko sina Nora Aunor at Vilma Santos, dahil maraming isyu sa kanila nun, sina Kris Aquino, Dina Bonnevie at Martin Nievera dahil napakadaldal nila, nakakaisang tanong ka pa lamang, kilometrahe na ang sagot nila. May sanga-sanga pang istorya). Karamihan sa mga sinulat namin, ginagamit ng maraming programa sa radyo (o maski na sa TV) nang wala man lamang kaming kredito. Ganito rin ang trabaho ng maraming katulad namin ang hanapbuhay. Kumokopya ng balita at pagkatapos ay babaguhin na lamang ang pagkakasulat. Nakakainis, masyadong unfair pero, masisisi ko ba sila kung kakarampot na barya lamang ang bayad sa kanilang pagpupunyagi? Kanya-kanyang pamamaraan lamang ng paghahanapbuhay yan at yun ang paraan nila. I’m sure kapag nagkapangalan sila ng kahit bahagya lamang, gugustuhin din nilang mag-interview, para makilala rin sila.

Dumaan din ako sa pagiging maliit na manunulat. Pero, nung panahon ko, mas malaki ang bayad sa mga articles. Tumatanggap na ako ng P250 sa isang submitted article at P1000 sa isang assigned article. Ngayon mas maliit na ang bayad sa mga baguhan. Swerte na kung tumanggap sila ng P100 per article/col. Meron ding hinahatian pa ng editor sa kanilang kita.

Maswerte na kami rito sa PSN at pwede nang pangtawid buhay ang kita ng aming mga manunulat. Marami nga ang gustong mag-contribute pero, kapos kami ng pahina. Pero, kahit kokonti ang aming mga contributors and columnists, maipagmamalaki ko na kumpleto na kami sa balita. Makakarating na ang mga mambabasa namin sa kanilang bahay nang hindi mauubusan ng mababasa, kapag ang dala nilang kopya sa sinasakyan nilang jeep, tricycle, pedicab, taxi, bus o private cars and vans ay isang sipi ng Pilipino Star Ngayon.
* * *
Nakatutuwang malaman na ang kaibigan at kumare kong si Imelda Papin ay in demand pa rin as a singer. Ito ay sa kabila ng pangyayaring mas binibigyang pansin niya ang kanyang mga gawain bilang bise gobernador ng Bikol. Dahil may album siya sa Universal Records, ang "Nag-iisang Imelda" na kailangan ng promosyon, kakanta siya ngayong 4 n.h. sa Ever Commonwealth at sa Marso 23 sa Ever Ortigas. Mas malakas daw ang benta ng ni-revive niyang "Bakit" kaysa sa naging benta nito noon.

Nung kanyang kapanahunan, may ilang diva ang umiwas na makatapat ang kanyang mga shows, lalo na yung ginaganap sa mga US base dahil mas tinatao ang mga shows ni Imelda. Sa kabila ng nagdaang panahon namintina ni Imelda ang kanyang magandang tinig at mahusay na performance.

ASTER AMOYO

BAKIT

DINA BONNEVIE

EVER COMMONWEALTH

IMELDA

KAMI

LAMANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with