Ang mga estudyante ngang nakikipagsunugan ng kilay sa kinikilalang pangunahing unibersidad sa ating bansa ay hindi nagpapaipokritang magtanong tungkol sa buhay-buhay ng mga artista at sa kalakaran ng showbiz sa kabuuan.
Seksuwalidad pa naman ang isa sa tatlong paksang tinutukan nang hapong yon, kaya ang mga pang-uurirat kung sinu-sino ba ang mga artistang bading at tibo, ay hindi naiwasan sa aming talakayan.
Nakakatawa, dahil sa halip na kami ang makasorpresa sa kanila ay kami pa ang nasorpresa, dahil napakarami pala nilang alam na milagrong pinaggagawa ng mga artista.
Nung minsan daw na mag-bar hopping sila ay nakita nila ang isang young actor na may kasamang guwapong lalaki, pumuwesto sa isang madilim na bahagi ng bar ang dalawa, at nung masayaran na ng agua de pataranta ang mga lalamunan ay nakalimot nang nasa isang pampublikong lugar sila.
"Nag-aakbayan sila, nagpipisilan ng pisngi, nagbabanggaan pa ng ilong, at nung bandang huli, e, talagang naghahalikan na halos sila," sabi sa amin ng isa.
Ang young actor na ito ay may kalabtim na hindi kataasan, araw-araw natin siyang napapanood bilang host sa isang variety show, at guwapo ang batang aktor na ito.
Minsan naman ay nakita nila sa isang bar pa rin ang isang magandang host na ang haba-haba ng buhok, tibo naman ang ka-date ng babae.
Ang daming kalalakihang hinayang na hinayang sa actress-TV host dahil bakit daw sa tibo pa ito nakipagrelasyon, samantalang ang dami-daming lalaking patay na patay sa kanyang kagandahan?
Mukhang angel pa naman daw ang babae, parang ang hinhin-hinhin kung kumilos, yun palay tibo lang ang nakadagit sa magandang actress-TV host.
Asus! Nabanggit na pala namin ang kanyang pangalan.
Ang iba sa kanilay natatawa, pero may iba namang sumeseryoso sa balita, pero kami na ang nagtuwid sa naturang isyu.
Kaibigan namin ang karelasyon ni Aiai, palagi kaming nagkakasama sa gimikan, kaya ang balitang nag-uugnay kina Aiai at John ay talagang isang malaking bakit para sa amin.
Maganda ang takbo ng lovelife ni Aiai dahil ang natagpuan niyang magmamahal sa kanya ay maunawain, masipag at bukod dun ay mahal nito ang lahat ng mahal ng magaling na Concert Comedy Queen.
Magkaibigan lang talaga sina John at Aileen, kaya madalas natin silang makitang naglalambingan sa Magandang Tanghali... Bayan!
Pero walang kulay yun, walang malisya, purong pagkakaibigan lang ang namamagitan sa dalawa.
Kahit itanong pa natin yun kay Susan Lim, ang pinakamalapit at mahal na kaibigan ngayon ni Aiai!
Ha! Ha! Ha! Ha!