Pero, hindi nawawalan ng pelikula si Allona. Nakakaanim na pelikula na siya sa taong ito. Una na ang Sapagkat Kami Ay Tao Lamang at Rosario 18 na ginawa ng Taurus Films. Malapit nang ipalabas ang Itlog kasama ang baguhang si Diana Zubiri para naman sa Seiko Films. Ready for showing na rin ang Oplan Red Roses. Ginagawa na niya ang Virgin People 3.
Sa dami ng kanyang pelikula, aakalain mong may milagro siyang ginagawa, pero sinabi niya na pagmamahal lamang sa trabaho ang dahilan. Wala siyang tinatanggihang role ("Wala pa akong karapatan," aniya) at kahit suporta sa baguhan payag siya ("Nagdaan din ako sa stage na ito kaya, alam ko kung ano ang nararamdaman ng isang baguhan," katwiran niya).
Nakapagtataka pa ba kung bakit patuloy ang swerte ni Allona?
Isang biyudo si Jules sa gulang na 41. Namatay ang kanyang asawa may dalawang taon na ang nakakaraan sa sakit na cervical cancer. Nag-iwan ito sa kanya ng dalawang anak na siyang pinagkukunan niya sa kasalukuyan ng inspirasyon. Ang pagkamatay ng kanyang ginang ang nagbunsod sa kanya para makibahagi sa laban against cancer. Tumutulong siya hindi lamang para maitaas ang public awareness sa sakit na ito kundi para makakuha ng suporta para ito masawata.
Ang pinaka-gustong ginagawa ng masipag na kinatawan ngayon bilang chairman ng House Committee on Ways and Means ay ang pagtatangka niya na makakuha ng revenues para sa gobyerno.
Sana rin ay magtagumpay siya at magawa niyang isang bill ang hindi na pagpa-file taun-taon ng mga mamamayan ng kanilang income tax returns. May katwiran siya na sabihin na isang malaking pag-aaksaya na lamang ito ng oras sapagkat hindi naman nagbabayad na ang mamamayan. Anumang buwis na kailangan nilang ibayad ay nakolekta na sa kanila. Oo nga naman.
Nakatulong na rin ang masipag na congressman sa pagpapababa ng napakalaking amusement tax na kinukuha sa industriya ng entertainment at maging sa mga artista.