^

PSN Showbiz

Patuloy ang laban ni Allona!

- Veronica R. Samio -
May katwiran si Allona Amor na mag-branch out sa ibang uri ng entertainment bukod sa pelikula. Sa dami ba naman ng naglipanang bold star na ang karamihan ay talagang mas daring at gagawin maski na ano para lamang magkapangalan. Kaya bumaling siya sa theater. Na nakita niyang mas challenging, mas mahirap gawin pero at kakarampot lamang ang kita. "Okay na rin lalo’t gusto mong mahasa sa lahat ng uri ng pagtatanghal," paliwanag ng bold actress who has formed her own theater group na lumilibot ng mga probinsya para makapagbigay ng mga natatanging palabas. "Sa ganitong pamamaraan nakapagbibigay ako ng trabaho sa mga tao at naihahatid ko pa sa malalayong lugar ang mga palabas na talagang pinaghihirapan kong ma-prodyus. I feel more fulfilled acting on stage,"’ pagpapatuloy niya.

Pero, hindi nawawalan ng pelikula si Allona. Nakakaanim na pelikula na siya sa taong ito. Una na ang Sapagkat Kami Ay Tao Lamang at Rosario 18 na ginawa ng Taurus Films. Malapit nang ipalabas ang Itlog kasama ang baguhang si Diana Zubiri para naman sa Seiko Films. Ready for showing na rin ang Oplan Red Roses. Ginagawa na niya ang Virgin People 3.

Sa dami ng kanyang pelikula, aakalain mong may milagro siyang ginagawa, pero sinabi niya na pagmamahal lamang sa trabaho ang dahilan. Wala siyang tinatanggihang role ("Wala pa akong karapatan," aniya) at kahit suporta sa baguhan payag siya ("Nagdaan din ako sa stage na ito kaya, alam ko kung ano ang nararamdaman ng isang baguhan," katwiran niya).

Nakapagtataka pa ba kung bakit patuloy ang swerte ni Allona?
* * *
Isang congressman na kaibigan ng isang kasamahan namin sa hanapbuhay ang nakapanayam namin kamakailan lang. Ang impresyon na nakuha ko sa kanya ay masipag siya at matalino, hindi katulad nung mga kasamahan niya na madalas kong mapanood sa TV na wala na yatang ginawa kundi makipagkwentuhan. Siya si Julio "Jules" A. Ledesma lV (ayaw niyang patatawag ng congressman), kinatawan ng 1st Dist. of Negros Occidental, NPC at isang matagumpay na negosyante. Nananatili siyang president at chief executive officer ng mga negosyo ng kanyang pamilya sa kanilang lugar sa San Carlos, Negros Occ. Gaya ng Ledesma Hermanos Agricultural Corp., Gamboa Hermanos, Inc., San Julio Realty Inc., Negros Fisheries Corp. at Highgrain Farms Inc. Pangulo rin siya ng Calatrava Mining Coop at member ng board ng Negros Navigation Co., Inc.

Isang biyudo si Jules sa gulang na 41. Namatay ang kanyang asawa may dalawang taon na ang nakakaraan sa sakit na cervical cancer. Nag-iwan ito sa kanya ng dalawang anak na siyang pinagkukunan niya sa kasalukuyan ng inspirasyon. Ang pagkamatay ng kanyang ginang ang nagbunsod sa kanya para makibahagi sa laban against cancer. Tumutulong siya hindi lamang para maitaas ang public awareness sa sakit na ito kundi para makakuha ng suporta para ito masawata.

Ang pinaka-gustong ginagawa ng masipag na kinatawan ngayon bilang chairman ng House Committee on Ways and Means ay ang pagtatangka niya na makakuha ng revenues para sa gobyerno.

Sana rin ay magtagumpay siya at magawa niyang isang bill ang hindi na pagpa-file taun-taon ng mga mamamayan ng kanilang income tax returns. May katwiran siya na sabihin na isang malaking pag-aaksaya na lamang ito ng oras sapagkat hindi naman nagbabayad na ang mamamayan. Anumang buwis na kailangan nilang ibayad ay nakolekta na sa kanila. Oo nga naman.

Nakatulong na rin ang masipag na congressman sa pagpapababa ng napakalaking amusement tax na kinukuha sa industriya ng entertainment at maging sa mga artista.

ALLONA

ALLONA AMOR

CALATRAVA MINING COOP

DIANA ZUBIRI

GAMBOA HERMANOS

HIGHGRAIN FARMS INC

PARA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with