Magmula nang magkahiwalay sina Zsazsa at Dr. Tatlonghari, hindi nagkasama ang mag-ina sa biyahe dito man o sa ibang bansa. First time bale ito nina Zsazsa at Karylle na magkasama sa biyahe kaya tiyak na babawi siya nang husto sa kanyang mga pagkukulang kay Karylle.
Ang mag-ina ay magtutungo sa Las Vegas, Disneyland at sa iba pang lugar. Patitingnan na rin ni Zsazsa sa Amerika ang kanyang lalamunan na siyang dahilan ng kanyang pansamantalang pamamahinga sa kanyang singing and acting career. Magkakaroon din ng pagkakataon ang mag-ina na makipagkita sa estranged parents ni Zsazsa na sa Amerika na naka-base.
Sa totoo lang, parehong excited sina Zsazsa at Karylle sa kanilang napipintong biyahe na binasbasan naman ni Dolphy at ng ama ni Karylle na si Dr. Tatlonghari.
Kung gaano ka-in-demand ngayon si Regine, hindi naman nagpapahuli ang song goddess na si Lani na kabi-kabila rin ang mga singing commitments hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Matapos niyang mapuno ang Araneta Coliseum at CCP, susubukan naman ni Lani ang pagkakaroon ng special six-night concert series sa On- Stage in Greenbelt Mall, Makati City na nakatakdang ganapin on April 12, 19, 20, 26 and 27, all week-ends sa buwan ng Abril. Itoy pinamagatang Lani On Stage: A Crossover Special na produced ng 105.1 FM Crossover na siya ring nag-produced ng matagumpay na concert niya sa Araneta Coliseum.
Si Zsazsa Padilla ay isa sa mga regular mainstays ng ASAP tuwing araw ng Linggo sa ABS-CBN Channel 2 habang ang kanyang anak na si Karylle ay isa rin sa mga regular co-hosts ng katapat na programa, ang SOP ng GMA-7.
Si Claudine Barretto ang bida sa Sa Dulo ng Walang Hanggan ng Dos habang ang kapatid niyang si Marjorie Barretto ay kasama sa katapat nitong programa sa ang Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Although magkakatapat ang kanilang mga programa, hindi naman ito nangangahulugan na magkakaaway din sila sa tunay na buhay.
Maliit lamang ang Tuhog, hindi naman nag-suffer ang quality nito dahil mahusay ang director nito na si Jeffrey, isa sa mga promising among the new directors.