^

PSN Showbiz

Angelika, may napi-feel na kay Robin

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Fun as in katuwaan lang talaga ang celebrity match sa opening ng 6th Nestea Beach Volleyball University Championships last Saturday afternoon sa La Salle Greenhills beach volleyball court.

Hindi naman kasi seryoso ang mga players like Onemig Bondoc, Alessandra de Rossi, Toffee Calma, Andrea del Rosario among others. Pero may iba namang feel na feel ang game like si Isabel Granada na nagsi-celebrate ng birthday that day. Kasama ni Isabel sa Blue Team si Monsour del Rosario na walang masyadong practice sa volleyball pero okey namang maglaro, parang easy-easy lang siya sa bola. Kunsabagay taekwando expert siya kaya hindi kataka-taka ‘yun.

Medyo okey din ang beauty queens na si Bb. Pilipinas-Universe 2001 Zorayda Ruth Andam and Miss World Tourism 2001, Michelle Reyes. Pareho silang nasa Blue Team.

Actually, lahat yata sa invited celebrity na marunong mag-volleyball, nasa Blue Team. Like si Reggie Curley, mainstay sa Attagirl. Tuloy ang mga napunta sa White Team, kanya-kanyang habol ng bola.

In any case, ang celebrity match ay isa sa mga added attraction sa yearly summer event ng Nestea Beach Volleyball University Championships.
*****
Marami nang gustong maniwala na MU (mutual understanding) na sina Robin Padilla and Angelika dela Cruz. Hindi lang daw sa promo ng movie ang closeness nila ngayon dahil parang gradually ay napi-feel na ni Angelika na may special place in her heart ang leading man niya sa Hari Ng Selda (Baby Ama 2). Very often daw kasing magkasama ang dalawa ngayon sa mga lakaran kahit hindi promo ng pelikula nila.

May possibility kayang ganoon? Kasi conservative image ang pino-project ni Angelika at kung totoo ito, baka maging negative ang reaction ng mga fans niya.

Anyway, isang friend ni Robin ang nagkuwento na hindi naging big deal kay Robin na hindi naibigay sa kanya ang title na Box Office King ng Guillermo Memorial Scholarship Foundation Inc. Siya kasi ang naunang nasa official list ng GMSFI, ‘yun pala si Aga Muhlach ang totoong nanalo.

In any case, relate na relate si Robin sa kanyang latest movie. Kasi naman matagal-tagal din siya sa bilibid. Sa previous interview nga kay Robin, sinasabi niyang hindi siya nahirapang i-portray ang character niya dahil in real life, tatlong taon din siyang nakulong. Isang preso siya sa pelikula na na-in love sa isang female psychology student (Angelika) na bumisita doon for an exposure trip.

At any rate, Hari Ng Selda (Baby Ama 2) is set to kick off in Metro Manila theaters very soon.
*****
Nasa ABC 5 na si Cristina Peczon. Mapapanood siya sa The Big News bilang co-anchor ni Amelyn Veloso particular para sa business news na forte naman ni Cristina.

Patunay sa galing at dedikasyon niya, naging finalist si Cristina sa seleksyon ng 1995 Metro Pacific Broadcast Journalist of the Year Award. Pero hindi lang balita at public affairs ang inaatupag ni Cristina. Dala ng angking kagandahan, image model siya ngayon ng Extraderm Exfoliant at naging model ng Rweed, Mango Pascal Banet, Fine Lien at Trizia. Mapagkawanggawa rin siya - volunteer pre-school teacher siya sa nursery ward attendant sa White Cross Orphanage. Nanguna rin siya sa mga fundrasing projects para sa naturang orphanage. Talagang well-rounded at super active si Cristina. May panahon pa siya na mag-golf, go-kart racing, scuba diving at surfing, internet surfing.
*****
Here’s the latest top box office sa US

1. We Were Soldiers

2. 40 Days and 40 Nights

3. John Q

4. Return to Never Land

5. Dragonfly

6. Queen of the Damned

7. Big Fat Liar

8. A Beautiful Mind

9. Crossroads

10. The Lord of the Rings
*****
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected] / [email protected]

vuukle comment

ANGELIKA

BABY AMA

BLUE TEAM

CENTER

CRISTINA

HARI NG SELDA

NESTEA BEACH VOLLEYBALL UNIVERSITY CHAMPIONSHIPS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with