Ina, Ricky panalo sa Star Awards
March 11, 2002 | 12:00am
"Totoo pala na pag mother ka na, mas nagiging emotional na," simula ni Ina Raymundo nang tanggapin niya ang Best Actress trophy para sa pelikulang Tuhog sa ginanap na awards night ng Star Awards for Movies last Saturday night sa UP theater. "Ito pala ang reason kaya ako bumalik," she added na medyo naiiyak pa dahil for the first ay nakatanggap siya ng recognition from Philippine Movie Press Club para sa pelikulang Tuhog na nanalo ring Best Picture kasama ang Director of the Year na si Jeffrey Jeturian.
Si Ricky Davao naman ang nanalong Best Actor para sa pelikulang Minsan, May Isang Puso.
Si Gloria Diaz ang nag-uwi ng Best Supporting Actress trophy para sa pelikulang Batang West Side at si Carlo Aquino ang nanalong Best Supporting Actor para sa kanyang pagganap sa Bagong Buwan - isang teenager na sa murang edad, ang isip ay makipaglaban sa pamahalaan dahil sa kinalakhan niyang paligid.
Unexpected ang mga nanalo lalo na sa major category from - Tuhog at Minsan May Isang Puso na parehong produced ng Regal Films. Hindi kasi masyadong kumita ang mga nasabing pelikula nang ipalabas ito last year. Ang Minsan, May Isang Puso na napanalunang pelikula ni Davao ay first-day-last day sa mga sinehan nang ipalabas ito kaya walang masyadong familiar sa pelikula.
"Sana nga ipalabas uli ang pelikula namin para naman maraming makapanood," sabi ni Ricky nang tanggapin niya ang trophy.
Si Armando Goyena ang Ulirang Artista Awardee. Naging basehan nang pagbibigay nila ng highest recognition kay Mr. Goyena ang pagbabalik-pelikula nito via Yamashita: The Tigers Treasure na isa sa mga topgrosser sa 2001 Metro Manila Film Festival. May naka-ready na speech si Mr. Goyena. Isa si Mother Lily Monteverde and Direk Chito Roño sa lubos niyang pinasalamatan dahil sa break na ibinigay sa kanya para makabalik sa pelikula.
Deserving din si Billy Crawford sa ibinigay na recognition ng PMPC. Alam naman ng lahat na unti-unti nang nakikilala si Billy sa ibang bansa particular na sa Europe.
Si Rosanna Roces ang Star of the Night na made of CD ang get-up. "Isa kasi ako sa nakikipaglaban sa mga pirata hindi lamang sa pelikula kundi maging sa musika."
Si Judy Ann Santos ang Female Face of the Night samantalang si Dingdong Dantes ang Male Face of the Night na parehong host nang gabing yun. Si Antoinette Taus ang isa sa presentors sa nasabing category. Pero nang tawagin si Dingdong as winner nagsigawan ang mga fans ng kiss na parang ini-expect ni Antoinette na gagawin ni Dingdong sa kanya. Pero dedma ang actor, parang wala siyang narinig.
In any case, si Charlene Gonzales ang opening number. First time itong lumabas ni Charlene since she gave birth sa twins - Atasha and Andres. Parang hindi nanganak si Charlene sa aura niya.
Finale naman ang song and dance number nina Ara Mina, Patricia Javier and Janna Victoria. Replacement lang si Janna kay Sunshine Cruz na narinig kung pinag-uusapan na nag-back out daw si Sunshine dahil pakiramdam niya, hindi na niya ka-level sila Ara dahil nga Mrs. Cesar Montano na siya. Marami namang nakapansin na maganda si Ara nang gabing yun sa kanyang red gown.
At any rate, aside from Juday and Dingdong, naging host din ng 18th Star Awards for Movies sina Richard Gomez and Sharon Cuneta.
Ang Star Awards ang unang award giving body na nagbigay ng parangal.
Narito ang listahan ng mga iba pang nanalo:
Movie Child Performer - Jiro Manio (La Vida Rosa/Star Cinema).
Movie Screenplay - Armando Lao (Tuhog/Regal Films).
Movie Editor - Ronald Allan Dale (Tuhog/Regal Films).
Cinematographer - Miguel Fabie III (Batang West Side/JMCN Productions).
Movie Production Designer - Judy Lou de Pio (Bagong Buwan/Star Cinema).
Movie Sound Engineer - Rudy Gonzales & Alex Tomboc (Batang West Side/JMCN Productions).
Movie Musical Scorer - Jay Oliver Durias (Tuhog/Regal Films).
Movie Orginal Theme Song - "Trip Mo Ba?" (From the movie Trip/Star Cinema).
Darling of the Press - Isabel Granada.
Salve V. Asis

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended