Gimik ng Caviteño

Inaanyayahan ang lahat ng mga Caviteños na maki-jamming sa G-mik Tayo Pagdating ng Panahon handog ng Granby Computer School Naic Cavite. Ito ay isang fund raising project for scholarship program na ang layunin ay makatulong at matustusan ang mga kabataang nagnanais na makapag-aral sa kolehiyo. Ito ay gaganapin sa March 13, 2002, Naic covered court na gaganapin sa pangunguna nina Aiza Seguerra, Angelica Panganiban, Carlo Aquino, Angeline Aguilar, Janus del Prado, Abigail Ward at Jade Lopez. Ipinakikilala din sina Danlyn Peralta, JB Gloria at ang Bridges Band. Ito’y sa direksyon ni Ferdie Gomez.

Ang ticket ay mabibili sa Velamart Supermarket, MsMart, Jollibee Naic, at sa tanggapan ng Granby Computer School Naic Cavite sa halagang P150.00.

Show comments