ZsaZsa, patitingnan ang lalamunan sa US

Isa sa mahalagang gawain na isasagawa ni Zsazsa Padilla sa US, kapag nagpunta sila run ng kanyang anak na si Karylle, makatapos na ito ay maka-graduate ng college ay ipatingnan ang kanyang lalamunan sa isang ispesyalista.

Bagaman at binigyan na siya ng mga local doctors ng clean bill of health para dito, still gusto niyang makasiguro sapagkat sa kaunting pagod at kapag ang mga eksena niya ay iyakan sa kanyang soap ay madali siyang mamaos. Kaya naman ipinapahinga niya ang kanyang lalamunan ng husto. Bukod sa tumigil siya pansamantala sa kanyang pagkanta ay bakasyon din siya sa pag-arte.

Ang isang magandang pangyayari sa naging pamamahinga niya ay naganap ito sa panahong kailangang kailangan siya ng kanyang asawa’t mga anak. "Narun ako nang kailangan nila ako," ani Zsazsa.

Hindi naman mami-miss si Zsazsa ng kanyang mga fans dahil inilabas na ng Star Records ang VCD ng kanyang In My Life concert na ginanap last year. Tampok dito ang maraming paboritong awitin ni Zsazsa plus medleys of Barbra Streisand and Louie Ocampo at marami pang iba.
*****
Sa kabila ng krisis sa ekonomiya, naging masagana naman at masaya ang nakaraan kong birthday. Salamat sa maraming kaibigan na nakaalala at pinaalalahanan ng assistant ko na si Melanie Sapitanan. Salamat kina Louie Guarin, Lincoln Cu, Boy Abunda, Maryanne of Backroom, Emy Abuan, Ricky Lo, Ethel Ramos, ABS- CBN, Romie Berona of UAP, Virgie Balatico, Angelika dela Cruz, Hanzel Villafuerte, Edd Fuentes, German Moreno, Chit Sambile, Maridol Bismark, Wilson Tieng of Solar Films. Malabon Mayor Toby Tiangco,Ernie Pecho, Jay Gonzalez at marami pa.

Show comments