Its a toss up between Diether Ocampo for La Vida Rosa and Carlo Aquino for Minsan, May Isang Puso para sa best actor. Matindi naman ang labanan nina Ina Raymundo at Rosanna Roces for best actress. Malamang na si Jay Manalo ang mag-uwi ng trophy bilang best supporting actor sa Hubog. Mukhang sure win naman si Carlo Muñoz for new movie personality para sa Yamashita: A Tigers Treasure samantalang si Heart Evangelista sa new movie personality para sa pelikulang Trip. Matindi rin ang labanan for best child performer between Serena Dalrymple for Mila at Jiro Manio para sa La Vida Rosa. Sigurado namang si Ara Mina o Onemig Bondoc ang mananalo bilang darling of the press.
For best picture, matindi ang labanan between Bagong Buwan at Tuhog. Sina Marilou Diaz- Abaya at Jeffrey Jeturian naman for best director.
Kung ano man ang maging resulta ng awards night, gusto lamang naming ipaabot ang aming congratulations sa mga mananalo.
Sabi pa ni Paolo, hindi na raw bago sa showbiz ang pagdudahan ang biglang pag-alis ng kanyang girlfriend. Kumbaga, expected na niya itong pag-uusapan at confident siya na walang katotohanan ang tsismis.
Kasalukuyang nagtatrabaho si Desiree sa isang boutique na pag-aari ng isang kamag-anak. Mukhang tuloy-tuloy din ang plano niyang mag-aral at kung kapag nakatapos ay anytime pwede siyang bumalik sa Pinas para ituloy ang naudlot na showbiz career. Kahit pala hindi na visible si Desiree ay nakikilala pa rin siya ng mga tao sa States. Hindi nga raw maiwasan ng ilan na magpa-autograph at magpa-picture sa dalaga. Kilala pa rin siya bilang Corinne na bida sa Tabing-Ilog.
Aminado si Paolo na mahirap panatilihin ang kanilang long distance relationship ni Desiree. Constant communication at tiwala lang daw sa isat isa ang ginagawa nila to keep the relationship strong.
Mas lalong dumami ang nai-excite na mapanood ang magandang aktres dahil ilang araw na ring ginagawang teaser ang pagkakasali ni Gretchen sa nasabing soap. Curious din ang mga followers ng Sa Dulo... kung ano ang magiging partisipasyon ng role ni Gretchen sa role ni Claudine bilang Angelene.
Matatandaang bago pa man inanounce na maging bahagi si Gretchen sa Sa Dulo... ay visible ang kanyang mga portrait na nag-create ng curiousity sa mga manonood. Nagsama-sama ang mga big bosses ng ABS-CBN na kumbinsihin si Gretchen na maging semi-regular sa nasabing soap dahil nga naman maituturing na semi-retired na ang aktres. Hindi naman nagdalawang-isip pa si Gretchen ang magandang offer na ito ng Dos dahil lingid sa ating kaalaman ay masugid na fan din pala siya ng nasabing soap opera.
Naku, nakini-kinita na namin ang lalo pang pagbulusok sa rating ng Sa Dulo... sa pagpasok ni Gretchen.