Naareglo naman niya ang gulo sa pamamagitan ng isang kasunduan na ang Star Records ang maglalabas ng kanyang VCD pero ang audio CD naman nito ay sa Viva Records magmumula. Sinabi niya na at the time na pumirma siya ng kontrata sa Star ay inakala niya na ang isang clause sa kontrata niya sa Viva ay nagamit na niya sa kanyang The Love Concert. Nung mismong araw ng birthday concert lamang niya nalaman na hindi pa pala niya nagagamit ang option na ito ng Viva. The VCD features the complete documentation of the concert with Johnny Manahan as its overall director. Matangi lamang sa mga awitin na pinasikat niya, dahil nga sa naging problema nila ng Viva.
The concert showcases Zsazsas most romantic songs, a Barbra Streisand medley, medley of Louie Ocampos compositions.
Dumating sa launching ang anak ni Zsazsa na si Karylle na ipinagmamalaki niyang magtatapos na ng kolehiyo ngayong Marso. "Kaya, pwede na siyang kumanta," ani Zsazsa. Marami ang nakapansin na palaging magka-holding hands ang mag-ina habang iniinterview sa TV. "Ganito kami talaga, laging naghahawakan ng kamay," dagdag pa ni Zsazsa.
Samantala, nakatakdang umalis ang mag-ina para sa isang bakasyon sa US pagkatapos ng graduation ni Karylle. "Kaming dalawa lamang ang lalakad. Ill take her around. Matagal na kaming hindi nagkakasamang mag-ina. Parang-bonding na rin naming dalawa," imporma niya.
When asked kung paano nila ito gagawin, sinabi ni Zsazsa na magba-bond sila "by sleeping together, holding hands, just being together."
Pinaka-ultimate dream ng magandang singer ang makitang magkaroon din ng bonding si Karylle sa kanyang mga kapatid na sina Zhia at Nicole. "Pero, kami munang dalawa," dagdag pa niya.
Mas maganda ngayon si Zsazsa na aniya ay dulot ng kanyang mahaba-habang pamamahinga. "Hindi lamang ang boses ko ang napahinga, kundi maging ang katawan ko na napapagod ng husto sa madalas na pag-iyak sa TV. Napahinga rin ang mukha ko sa make-up," sabi niya.
Medyo tumaba rin siya dahil hindi niya pinipigil ang sarili sa pagkain. Kahit anong gusto niyang kainin ay kinakain niya. Bumabawi na lamang siya sa pamamagitan ng ehersisyo sa treadmill at paggawa ng sit-ups.
Bakit ba dito hindi magkaroon ng ganung palabas? Biruin mo ang maibibigay na kasiyahan ng programa sa isa man lamang sa marami nilang manonood sa pamamagitan ng pagbibigay katuparan sa kahilingan nila. Parang ginagawa ito dati ng Eat Bulaga, pero huwag naman yung puro iyakan at ang participant ay hindi mahihirap lamang at nagbibilang na ng araw sa mundo.