'Wow' sa Batangas

Tuloy ang ligaya ng Wow Mali gang sa kanilang on-location tripping. Mula Tagaytay, tutungo naman sa white-sand beach ng Bonito Island, Batangas ang king of practical jokes na si Joey de Leon, kasama ang kanyang Wow staff para pag-tripan ang mga tagaroon as well as aliwin ng "People Of the Philippines".

Ngayong Sabado, 8:30 ng gabi, mapapawi ang inyong pagod at sakit ng ulo sa mga nakakatuwang segments ng Wow kabilang ang "Plak" (Pera Lang Ang Katapat) "Grease Pig", kung saan idi-dare ng Wow ang mga tao na hawakan at hulihin ang isang baboy na punumpuno ng grasa sa katawan in exchange for cash. ‘Di kaya malipat ang grasa sa huhuli kay ‘Babe’? We’ll see.

Isa pang segment na dapat abangan ang "Rally 2002". Hindi si Pangulong Gloria ang iinisin rito kundi ang mga subjects na naglalakad sa kalye. Magpapanggap na raliyista ang mga Wow accomplice na may dala-dalang plakard at bigla na lang nilang susundan ang mga passers-by. Ano kaya ang reaksyon ng mga Wow victims? Abangan.

Maliban sa mga nakakalokang original segments ng Wow, hindi rin dapat palampasin ang "Funny Home Video" contest dahil may cash prize na naghihintay sa maswerteng magpapadala.

O ano pang hinihintay ninyo sabak na sa ABC, the only TV station that brings you all-original and certified laughter-filled shows.

Show comments