Ang Mad TV ay ang pinakabagong comedy show na magbibigay-buhay sa inyong Tuesday late-night viewing. Ito ay isang irreverent sketch comedy na magpapalabas ng film and television parodies, political satire, commercial spoofs, social commentary at pop culture send-ups.
Naglalaman din ito ng mga nakakatuwang segments tulad ng "Gump Fiction" at "Republican Gladiator." Mayroon ding mga classic cartoons tulad ng "Spy vs. Spy," at ang "Don Martin Department." Ang mga cartoons na ito ay hango sa mga magazine na bibigyang buhay ng Klasky/Csupo (The Simpsons, "Duckman").
Tampok sa Mad TV ang ensemble cast na binubuo nina Bryan Callen (Stand Up New York, The Comic Strip), David Herman (House of Buggin), Orlando Jones (Sinbad), Phil LaMarr (Mad About You), Artie Lange (Live on Tape), Mary Scheer (Seinfield), Nicole Sullivan (Hermans Head) at Debra Wilson (Uptown Comedy Club).
Kaya kung nais ninyong sumaya ang inyong gabi, manood kayo ng Mad TV, tuwing Martes, 10:30 pm. Dito lang kung saan lahat ay masaya, ABC!