Bulag sa katotohanan ang reporter

Nagkaroon kami ng pagkakataon na makausap ang ilang kaibigan from Star Cinema at napagkwentuhan namin ang naging success ng Got To Believe. Natawa nga lang kami sa sinulat ng isang reporter na flop daw ang movie nina Claudine Barretto at Rico Yan.

"Nakakaawa siya dahil nakukuryente siya sa mga balita niya. Karamihan ay puro imbento lang. At dahil sa kakulangan niya sa balita eh gumagawa na lang siya ng istorya. Well, hindi siya kapatul-patol dahil alam naman ng lahat na talagang kumita ang pelikula," sabi ng isang Star Cinema executive.

Bulag yata ang reporter na ito at hindi niya nakikita ang haba ng pila sa mga sinehan lalo na nung weekend. Halos mabawi na ng producer ang puhunan for that movie sa first day of showing pa lang. And for the record, kumita ang pelikula ng P9 M on Sunday alone (hindi pa kasama ang kinita ng mga naunang araw). Yan ba ang flop?
* * *
Pinabilib kami ng husto sa laki ng ipinagbago ni Roselle Nava nang muli siyang humarap on a live performances sa Ratsky. Malaki na nga ang improvement ng boses ni Roselle mula nang magkaroon siya ng throat problem several months ago. Nag-paid off ang mga hirap niya para maibalik ang kanyang boses at muling makapag-perform on stage.

Entertaining ang show dahil maganda ang line-up ng songs na kinanta niya having Mr. Archie Castillo as her musical director. Kinanta rin niya ang ilang cuts sa kanyang album including "Huwag Ka Nang Bumalik" na siguradong magiging hit din tulad ng kanyang hit single noon na "Dahil Mahal Na Mahal Kita".

Naging guest ng gabing iyon si Bojo Molina na nakipag-duet sa sentimental diva. Mas kinilig ang mga manonood nang tawagin ni Roselle ang isang guy named Allen para sa audience participation. Kahit hiyang-hiya ang binata ay buong giliw niyang pinagbigyan si Roselle. Bagay silang dalawa habang kinakanta ang "Fallin" on stage. Hindi man pormal na ipinakilala ni Roselle na iyon ang kanyang boyfriend halatang ang binata ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon. Gwapo ang binata at mukhang galing sa magandang pamilya na all out ang support sa All About Love concert ni Roselle.

Dahil sa kakaibang Roselle na napanood namin sa Ratsky, deserving na mabigyan ng isang concert si Roselle sa isang bigger venue this year.
* * *
Nagulat ang mga viewers ng ASAP noong Linggo nang mapanood sa opening number si Michelle Bayle kasama ang Hunks. First time kasi nilang nakitang kumanta ng live ang seksing dalaga. Madalas kasing dance number ang ginagawa niya sa MTB.

Isa na yata si Michelle sa pinaka-hottest personality ngayon. May nari-receive kaming e-mail from fans sa iba’t ibang lugar asking about personal information at pictures ng morenang aktres na laking Canada. Nagustuhan ng lahat lalo na ng mga kalalakihan ang body calendar pictorial na ginawa ni Michelle for Metro Magazine.

Marami rin ang nag-aabang na mapanood ang Pangako Sa ’Yo kung saan kilala siya sa role bilang Felicity. Positive rin ang feedback at madalas na comment sa kanya ay magaling siyang umarte at epektibo ang character niya bilang ka-love triangle nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Okey at nakakatawa rin ang role niya sa Attagirl kung saan isa siya sa mainstay.

Overwhelmed naman si Michelle dahil sa nagiging takbo ng kanyang career. Hindi niya akalain na matapos sumali sa isang teen pageant ay mabibigyan siya ng break. Naging mahirap man ang desisyon na tumira dito na malayo sa kanyang immediate family ay kaya niya itong tiisin para sa magandang break dito sa ’Pinas.

Kaliwa’t kanan ang movie offers ni Michelle. Sa kasalukuyan, gumagawa siya ng pelikula na pinangungunahan ni Piolo Pacual at Joyce Jimenez. At bukod pa rito ang movie ni Jericho at Kristine. Sa parehong pelikula, gagampanan ni Michelle ang role bilang girlfriend ng mga guwapong bida.

Sana ay magtuluy-tuloy ang pagsulong ng career ng Canadian Filipina nating si Felicity. Sana ay wag magbago ang attitude niya sa trabaho. Keep up the good work, Michelle.
* * *
For your comments and feedback, you can e-mail me at eric_john_salut@hotmail.com

Show comments