Di tulad ng maraming bold films, ang Eskandalosa ay gumamit ng isang mahusay na cinematographer sa katauhan ni Romy Vitug. Kaya naman ang mga apat na bold scenes ay lumabas na napaka-artistic, hindi bastos.
Magagaling din ang support ni Barbara, mga top calibre actors gaya nina Elizabeth Oropesa, Francis Enriquez, Paolo Rivero, ang ipinakikilalang si Ruby Padilla, isang Calendar Girl ng 1999 at si Melanie Marquez. Mga macho naman ang apat na lovers ni Barbara na sina Leandro Baldemor,Ricky Belmonte, John Apacible at Richard Quan.
Direktor ng pelikula si Joven Tan, na bagaman at isang baguhan ay matatandaan ng mga manonood for setting a trend in frontal nudities.