Pero, sinabi rin ng kabataang aktor na hindi na ganun katindi ang relasyon nila ng girlfriend niya. "Siguro, dahil mahirap yung long distance affair," paliwanag niya.
Paolo is joining Herbert Bautista, Michael Flores, Keempee de Leon and Bayani Agbayani sa bagong gag show ng ABS-CBN, ang Klasmeyts, na magsisimula ngayon, Marso 6, 9:30 n.g. pagkatapos ng Whattamen. Pinalitan nila ang Attagirl na nalipat sa Martes sa 10:00 n.g. pagkatapos ng Okatokat.
Ang Klasmeyts has everything, from gags to funny song parodies and commercial spoofs. Ipakikita rin ng lima ang nakatatawang side ng news and current affairs shows, action blockbusters, popular foreign shows and the top teleseryes para mapatawa lamang ang kanilang mga manonood sa bahay at maging yung live audience nila sa istudyo.
Thirty minutes lamang ang unang intensyon para sa show pero nang makita ang final results ng unang episode na palabas ngayon, bitin na bitin daw ang mga manonood, ginawa na itong isang oras.
Si Johnny Manahan ang direktor ng show. Head writer si Joel Mercado ng MTB at Arriba! Arriba! at si Ariel Ureta, ang creative consultant.
Sa susunod na buwan, iri-release na ang "Ride". Naglalaman ito ng 12 original songs kasama ang romantic ballad na "When You"re In Love With Someone", "I Wish", "Trackin" na nakasama sa European Top 5 sa loob ng 15 linggo at Top 10 sa loob ng 35 linggo.
Nasa Maynila pa rin si Billy at ipo-promote ang kanyang single via TV appearances and mall shows. Catch him live at SM Southmall on March 8 ( 5pm), SM Bacoor, Mar. 9 (3 pm) at SM Megamall, Mar. 10 (5pm). Sa Abril pa ilalabas ang kanyang album pero iri-release na ng BMG Records Pilipinas ang "Trackin" CD single commercially.