Malas sa pag-ibig si Klaudia!
March 6, 2002 | 12:00am
Isinugod sa New Era College Hospital ng kanyang mga kaklase ang sexy star na si Klaudia Koronel last Monday (March 4) morning matapos itong mag-collapse sa school dahil marahil sa pagod at stress. May kinalaman din kaya rito ang pagkaka-suspend sa kanilang school ng kanyang Fil-American boyfriend na si Shawn Bourgeois dahil nadiskubre ang kanilang relasyon? Si Shawn ay nag-aaral ng journalism sa New Era College kung saan ang direksyon nito ay ang pagiging ministro ng kanilang religion, ang Iglesia ni Kristo. Sa INC, bawal ang pagkakaroon ng relasyon sa babae until after matapos ang kanyang kurso sa pagka-ministro.
Si Shawn na tubong Orlando, Florida ay dumating ng Pilipinas para mag-aral sa pagka-ministro ng INC. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nag-krus ang kanilang landas ni Klaudia at nagka-inlaban ang dalawa.
Bukod sa kanilang relasyon na naputol, pinanghinayangan ni Klaudia ang pag-aaral ni Shawn dahil graduating na sana ito ngayong March pero dahil yon ang naging desisyon ng school, walang magawa si Shawn at ganun din naman si Klaudia na nag-aaral naman ng computer course sa New Era College.
Bumalik ng Amerika si Shawn last December 12, seven days before Klaudias birthday (Dec. 19), ganunpaman, naging constant pa rin ang kanilang communication sa pamamagitan ng telepono. Pero si Shawn na rin mismo ang nagsabi kay Klaudia na tatapusin pa rin niya ang kanyang pagiging ministro anuman ang mangyari kaya kailangan isantabi na lamang muna nila ang kanilang relasyon. Oras umano na tapos na siya sa kanyang pag-aaral ay saka niya babalikan si KK.
Ayon kay KK, si Shawn lamang ang naging boyfriend niya na kanyang iniyakan nang husto dahil bukod sa minahal niya ito nang husto, marami siyang natutunan dito lalo na pagdating sa mga pangaral sa Diyos.
Sa sanctuario ng kanilang school kung saan puwedeng manalangin at humiling sa Diyos ang kahit sino, hiniling ni KK na sanay muli siyang makatagpo ng lalaking mamahalin niya at magmamahal sa kanya. Dininig ng Diyos ang kanyang panalangin dahil dito niya nakilala si Shawn. Pero ang nakakalungkot lang, umabot lamang ng tatlong buwan ang kanilang relasyon dahil na-diskubre ng kanilang school ang kanilang relasyon.
"Wala namang problema ang pagkakaroon ng relasyon, ang naging problema lang sa amin ni Shawn, nag-aaral siya sa pagka-ministro ng aming simbahan kaya bawal, although hindi naman ito nangangahulugan na bawal siyang magkaroon ng asawa. Kailangan lang talaga na tapusin niya ang kanyang limang taon na pag-aaral ng pagka-ministro," kuwento sa amin ni KK habang itoy naka-confine sa New Era hospital.
Before Shawn, nagkaroon si Klaudia ng matagal na relasyon sa kanyang ex-boyfriend na si Cris Panganiban na tumagal din ng apat na taon.
Ayon na rin kay Klaudia, nagtatrabaho na umano sa States si Shawn pero desidido umano itong bumalik ng Pilipinas para tapusin ang kanyang pag-aaral.
"Siguro, kung destined kami para sa isat isa, mangyayari yon. Sa ngayon, patuloy ang pagdarasal ko na sanay kapwa kami i-guide ng Diyos sa tamang daan," ani KK.
Matapos mailibing ang butihing ina ni Alma Moreno, kapwa tahimik ngayon ang dating mag-asawang Alma at Parañaque Mayor Joey Marquez. Marahil, pareho nilang na-realize na kung patuloy silang magsasalita laban sa isat isa ay hindi ito makakatulong sa kanila lalo na sa kanilang mga anak.
Sa ngayon, kapwa tahimik ang magkabilang kampo. Hinaharap ngayon ni Mayor Joey ang kanyang obligasyon bilang alkalde ng Parañaque at si Ness naman ay parang nagsisimula na naman ng bagong chapter ng kanyang buhay sa kabila ng sunud-sunod na unos na dumating sa kanyang buhay. Ang magandang balita dito, muling magiging aktibo si Ness sa kanyang showbiz career at marami umanong offers ang patuloy na dumarating sa kanya sa larangan ng pelikula at telebisyon labas pa rito ang mga personal appearances.
"Siguro, ang mga anak ko at trabaho ang magiging therapy ko para unti-unti kong makalimutan ang mapapait na alaala sa buhay ko. Kung magmumukmok lang ako sa bahay, lalo lamang siguro ako magkakasakit," aniya.
Although nung isang taon pa nagkahiwalay ang (dating) mag-asawang Sherilyn Reyes at Jun-Jun Santiago, sa taong ito lamang pumutok nang husto ang hiwalayan ng dalawa. Maybe, because ngayon lang sila (Sherilyn and Jun-Jun) nagsalita tungkol dito.
Personal na inamin ni Jun-Jun na nag-file na umano siya ng annulment case against his ex-wife at hinihintay na lamang umano niya ang magiging desisyon ng korte. Hiniling din niya sa korte ang equal custody sa kanilang three-year old son na si Paolo.
Si Jun-Jun ay kapatid nina Randy, Rowell at Raymart Santiago at mga anak ni yumaong director na si Pablo Santiago at ang dating aktres na si Cielito Legaspi.
Samantala, ang isa pang couple na nagkahiwalay last year pero this year lang pumutok ay ang dating mag-asawang Lander Vera-Perez at Regine Tolentino. Si Regine kasama ang kanilang dalawang anak na babae ang siyang umalis sa kanilang tahanan at nakatira ang mga ito sa isang condo. Nagbalik-Talent Center na rin si Regine kaya visible ito ngayon sa ibat ibang shows. Kakaiba rin ang hitsura ngayon ng dating misis ni Lander dahil mas gumanda at mas sexy ito ngayon.
Hindi kaya manghinayang si Lander at muli itong makipagkasundo sa dati niyang misis? After all, wala namang third party na involved sa kanilang paghihiwalay.
Personal: Ang aming pagbati ng belated birthday greetings sa golden boy ng Philippine cinema, si Rudy Fernandez who turned 50 last Sunday, March 3.
Email: [email protected]
Si Shawn na tubong Orlando, Florida ay dumating ng Pilipinas para mag-aral sa pagka-ministro ng INC. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nag-krus ang kanilang landas ni Klaudia at nagka-inlaban ang dalawa.
Bukod sa kanilang relasyon na naputol, pinanghinayangan ni Klaudia ang pag-aaral ni Shawn dahil graduating na sana ito ngayong March pero dahil yon ang naging desisyon ng school, walang magawa si Shawn at ganun din naman si Klaudia na nag-aaral naman ng computer course sa New Era College.
Bumalik ng Amerika si Shawn last December 12, seven days before Klaudias birthday (Dec. 19), ganunpaman, naging constant pa rin ang kanilang communication sa pamamagitan ng telepono. Pero si Shawn na rin mismo ang nagsabi kay Klaudia na tatapusin pa rin niya ang kanyang pagiging ministro anuman ang mangyari kaya kailangan isantabi na lamang muna nila ang kanilang relasyon. Oras umano na tapos na siya sa kanyang pag-aaral ay saka niya babalikan si KK.
Ayon kay KK, si Shawn lamang ang naging boyfriend niya na kanyang iniyakan nang husto dahil bukod sa minahal niya ito nang husto, marami siyang natutunan dito lalo na pagdating sa mga pangaral sa Diyos.
Sa sanctuario ng kanilang school kung saan puwedeng manalangin at humiling sa Diyos ang kahit sino, hiniling ni KK na sanay muli siyang makatagpo ng lalaking mamahalin niya at magmamahal sa kanya. Dininig ng Diyos ang kanyang panalangin dahil dito niya nakilala si Shawn. Pero ang nakakalungkot lang, umabot lamang ng tatlong buwan ang kanilang relasyon dahil na-diskubre ng kanilang school ang kanilang relasyon.
"Wala namang problema ang pagkakaroon ng relasyon, ang naging problema lang sa amin ni Shawn, nag-aaral siya sa pagka-ministro ng aming simbahan kaya bawal, although hindi naman ito nangangahulugan na bawal siyang magkaroon ng asawa. Kailangan lang talaga na tapusin niya ang kanyang limang taon na pag-aaral ng pagka-ministro," kuwento sa amin ni KK habang itoy naka-confine sa New Era hospital.
Before Shawn, nagkaroon si Klaudia ng matagal na relasyon sa kanyang ex-boyfriend na si Cris Panganiban na tumagal din ng apat na taon.
Ayon na rin kay Klaudia, nagtatrabaho na umano sa States si Shawn pero desidido umano itong bumalik ng Pilipinas para tapusin ang kanyang pag-aaral.
"Siguro, kung destined kami para sa isat isa, mangyayari yon. Sa ngayon, patuloy ang pagdarasal ko na sanay kapwa kami i-guide ng Diyos sa tamang daan," ani KK.
Sa ngayon, kapwa tahimik ang magkabilang kampo. Hinaharap ngayon ni Mayor Joey ang kanyang obligasyon bilang alkalde ng Parañaque at si Ness naman ay parang nagsisimula na naman ng bagong chapter ng kanyang buhay sa kabila ng sunud-sunod na unos na dumating sa kanyang buhay. Ang magandang balita dito, muling magiging aktibo si Ness sa kanyang showbiz career at marami umanong offers ang patuloy na dumarating sa kanya sa larangan ng pelikula at telebisyon labas pa rito ang mga personal appearances.
"Siguro, ang mga anak ko at trabaho ang magiging therapy ko para unti-unti kong makalimutan ang mapapait na alaala sa buhay ko. Kung magmumukmok lang ako sa bahay, lalo lamang siguro ako magkakasakit," aniya.
Personal na inamin ni Jun-Jun na nag-file na umano siya ng annulment case against his ex-wife at hinihintay na lamang umano niya ang magiging desisyon ng korte. Hiniling din niya sa korte ang equal custody sa kanilang three-year old son na si Paolo.
Si Jun-Jun ay kapatid nina Randy, Rowell at Raymart Santiago at mga anak ni yumaong director na si Pablo Santiago at ang dating aktres na si Cielito Legaspi.
Samantala, ang isa pang couple na nagkahiwalay last year pero this year lang pumutok ay ang dating mag-asawang Lander Vera-Perez at Regine Tolentino. Si Regine kasama ang kanilang dalawang anak na babae ang siyang umalis sa kanilang tahanan at nakatira ang mga ito sa isang condo. Nagbalik-Talent Center na rin si Regine kaya visible ito ngayon sa ibat ibang shows. Kakaiba rin ang hitsura ngayon ng dating misis ni Lander dahil mas gumanda at mas sexy ito ngayon.
Hindi kaya manghinayang si Lander at muli itong makipagkasundo sa dati niyang misis? After all, wala namang third party na involved sa kanilang paghihiwalay.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended