Kahit sa dressing room ay ayaw nitong may makasama kapag may show kaya kinakabitan ang pintuan ng "Bawal Ang Bisita Dito."
Minsan sa taping ng kanyang soap program ay na-late ito ng apat na oras at nang dumating ay ni hindi man lang humihingi ng paumanhin lalo na sa kasamahang dalawang premyado at beteranang aktres. Hindi na lang nila ito pinansin dahil siya ang bida sa palabas.
Sapul nang magkahiwalay sila ni John Estrada ay gumanda ang kanyang career lalo na sa telebisyon. Positive thinker siya. Sa halip na magmukmok sa isang tabi dahil sa problema ay lalo siyang na-challenge para ayusin ang buhay.
Maganda ang takbo ng Sis na sila ni Gelli ang mga host.
Excited si Gladys dahil first time niya ito sa Japan. Kasama niya ang kanyang ama. Nataon naman na pahinga muna siya sa taping ng soap opera dahil sa istorya ay nakulong siya sa mental hospital at kailangan munang magpagamot. Kaya natanggap niya ang offer sa Japan. Habang naroroon, dadalawin niya ang kanyang pinsan na nag-asawa sa Japan.
Ang kanyang kikitain dito ay ipandadagdag niya para sa downpayment ng dream house para sa kanyang pamilya.
Mayroon din siyang gagawing pelikulang katatawanan para sa Violet Films na pag-aari ni Violeta Sevilla. Isa itong independent prodyuser na taga-Guagua, Pampanga na gusto ring makatulong sa ating industriya. Bida sa pelikulang Kas & Karie sina Bayani Agbayani, Long Mejia at mga leading ladies na sina Gladys at Matet. Kasama rin nila si Daisy Reyes.
May nakilala siyang agent sa Tate at interesado itong kunin siya kaya lang kailangan niyang mag-audition sa LA.
Sasamahan siya ng manager na si Jessica Rodriguez sa kanyang audition sa Abril at baka swertihin siya na maging isang international star.
Habang wala pang pelikulang ginagawa ay abala si Patricia sa mga show sa abroad gaya ng Japan.
Matagal-tagal din bago nasundan ang huli niyang pelikula kaya balik-bold na naman siya sa Eva Lason Kay Adan katambal sina Eddie Gutierrez at Allen Dizon sa direksyon ni Tony Bernal under K Productions.