^

PSN Showbiz

Bahay ni Robin for sale na

RATED A - Aster Amoyo -
Pansamantalang mabi-‘biyudo’ ang presidential son at Pampanga vice-governor na si Mikey Arroyo dahil nakatakdang magbakasyon sa Baltimore ang kanyang second cousin at kasintahang si Angela Montenegro kasama ang pamilya nito. Halos isang buwan din itong mawawala at sa katapusan ng Marso na ito makababalik.

Sa pagbabalik ni Angela, magiging punong abala ito sa preparasyon sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib ni Mikey sa Hunyo 24 sa St. John the Baptist Church sa Lubao, Pampanga.

Habang wala si Angela, pinagkakaabalahan pa rin ni Mikey ang kanyang tungkulin bilang isang public servant.

Malapit na rin nitong simulan ang kanyang sariling drama serial na nakatakdang idirek ni Don Remo.
* * *
Sa Hunyo pa ipapalabas ang first team-up nina Robin Padilla at Pops Fernandez na dinirek ni Jerry Sineneng for Star Cinema kaya mauuna munang ipalabas ang first team-up nina Robin at Angelika dela Cruz sa bakuran ng Viva Films, ang Hari ng Selda (Baby Ama 2) na siyang directorial comeback ng discoverer-mentor ni Robin na si Deo Fajardo. Co-writer si Robin sa nasabing pelikula.

Happy si Robin dahil matapos siyang gumawa ng sunud-sunod na feel-good movies, balik na naman siya sa paggawa ng hard action movie. Kapareha niya si Angelika na crush niya umano magmula nang mapanood niya ito sa Esperanza.

"Ako mismo ang personal na humiling kay Boss Vic (del Rosario) na makasama ko si Angelika sa pelikula at hindi naman ako napahiya," aniya.
* * *
Ngayong ipapalabas na ang Hari ng Selda, sisimulan naman nila ni Rudy Fernandez ang isang dream action projects sa ilalim pa rin ng Viva Films.

Gusto sana ni Robin na siya ang bad guy sa movie nila ni Daboy, pero hindi umano pumayag ang Viva dahil baka hindi pa umano handa ang mga fans ni Robin na tanggapin siya bilang kontrabida.

Samantala, up for sale ngayon ang bahay ni Robin sa Fairview na nagkakahalaga ng P25-M. May 12 kuwarto ito at swimming pool. Wala na umanong nakatira roon at sobra raw napakalaki ng bahay para sa kanya at sa kanyang ina na si Mommy Eva Cariño. Ang mapapagbilhan ay gagamitin ni Robin sa educational plan ng kanyang mga anak. May apat na anak na siya sa kanyang wife na si Liezel Sicangco na naka-base sa Australia at may dalawa pa siyang anak sa dalawang ibang babae, si Michelle sa dating aktres na si Lea Orosa na nasa Amerika na at si Mico na anak naman niya sa aktres na si Jobelle Salvador.
* * *
Masuwerte si Robin dahil siya ang nakauna kay Angelika sa pakikipaghalikan sa screen. Kumbaga, first screen kiss ni Angelika si Robin (ewan lang namin offcam).

Ngayon din lang lubusang naiintindihan ni Angelika kung bakit madaling ma-inlab kay Robin ang mga babae. Napaka-sweet raw nito at napaka-maalaga. Kulang na lamang daw na pati lamok ay hindi siya padapuan nito. Daig pa nga raw niya ang prinsesa sa pag-aalaga ni Robin habang ginagawa nila ang pelikula.

Personal na pinabulaanan ni Angelika ang mga naglalabasang tsismis na sila na umano ngayon ni Robin. Totoong magkasama silang nanood sa concert nina Brian McKnight at Regine Velasquez sa Araneta Coliseum at paminsan-minsan ay kumakain silang magkasama sa labas, pero ito’y dahil magkaibigan sila.

Pero kung nagkataon lamang daw na walang pananagutan si Robin at nanligaw ito sa kanya, hindi raw malayong ma-inlab siya rito.

ANGELA

ANGELA MONTENEGRO

ANGELIKA

ARANETA COLISEUM

BABY AMA

DEO FAJARDO

DON REMO

ROBIN

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with