Ibang klase talaga ang karisma ni FPJ sa publiko, hanggang ngayoy epektibo pa rin para sa manonood ng pelikulang Pilipino ang parapido niyang suntok.
Walang pakialam ang Pinoy sa bagsak na ekonomiya ng ating bayan, handa nilang ipagtabi mula sa maliit nilang kinikita ang pambayad sa takilya para sa pelikulang pinagbibidahan ng Hari Ng Aksyon.
Balita namiy naka-1.7 million ang Hari ng Lansangan nung magbukas ito sa mga sinehan, isang napakagandang balita, dahil matagal na panahon ding humilahod sa takilya ang mga pelikulang Pilipino.
Tuloy ay hindi na malaman ng mga prodyuser kung anong uri ba ng panoorin ang gusto ng mga tao, dahil mas madalas kaysa hindi, ay mababa ang kinikita ng halos lahat ng pelikulang ipinalalabas.
Ganun naman kasi kapag buo ang kredibilidad sa manonood ng artista, walang taghirap sa kanilang bokabularyo, sinusundan talaga ng tao ang isang magandang panoorin.
Dalawang beses naming nakakwentuhan nang halos magdamag sa Kilimanjaro Bar ni Judy Ann Santos si Tito Ronnie nung nakaraang buwan.
Ang action star na datiy pinanonood lang namin at hinahangaan ay hayun at kasama lang namin, nagkukuwento ng mga nakakaawang karanasan niya sa buhay, taong-tao sa kanyang pakikipagkapwa-tao.
Lahat ng makasalubong niya ay nandun palagi ang kanyang ngiti at pagbati, na sinusuklian naman ng mga tao ng kilig at pagkamay.
Hindi nga naman sa araw-araw ay makikita mo ang Hari Ng Aksyon, masuwerte nang makita mo sa labas ang action star na pati pananamit at pananalita at pagsuntok ay ginagaya ng kanyang mga tagahanga.
Pero mukhang malabo pa nilang masimulan yun, dahil marami pang nakalinyang dapat unahin si Juday kasama sina Sharon Cuneta at Richard Gomez.
Ang gusto ng marami ay si Piolo Pascual ang makasama nina FPJ at Juday sa gagawin nilang pelikula, ewan lang namin kung papayagan ng Star Cinema na dun na isama ang binatang aktor, kaysa sa gagawin nila ni Juday nang sila lang ang bida.
Kapag natuloy ang pagsasama nina FPJ, Judy Ann at Piolo sa isang pelikula ay puwede na naming sabihin ngayon na hindi pa man ay nakasapatos na ang pera ng bayan para sa kanilang proyekto.
Walang katalo-talo yun kapag natuloy, dahil nandun na ang Hari Ng Aksyon ay kabituin pa ang nangungunang tambalan ng bayan.