Ladine Roxas, nag-record sa London!

Ang Candid Records, isang UK-based recording company ay naghahanda na para sa global launch ng Pinay singer na si Ladine Roxas, ang album na "How Can I Make You Love Me".

Isang formidable name sa mundo ng jazz music, itinatag ang Candid Records noong 1960s ni Archie Bleyer, may-ari ng Cadence Label. Dahil sa pagiging isang jazz lover, nagpasya siya na magtayo ng sariling label kung saan ang mga sikat na jazz artists ay nabigyan ng pagkakataong makapag-record ng kanilang musika sa pamamahala nina Nat Hentoff and Bob Altshuler. Dito umusbong ang pinaka-magaling na jazz artists sa New York jazz scene.

Kabilang sa mga unang artists ng Candid ay sina blues master Lightnin’ Hopkins and Cecil Taylor. Noong 1987, ang British businessman and music lover na si Alan Bates ay binili ang Candid Records. Kasama ang kanyang Pinay na asawa na si Nieves, binuhay nila ang mga classic recordings ng Candid Records at ni-reissue ang mga ito at noong mid-to late 90’s, kinontrata nila ang mga promising jazz artists mula sa UK at US para palakasin muli ang jazz scene. Dito nakilala ang American jazz star na si Stacey Kent (ang latest album nitong "In Love Again" ay nakapasok sa top ten ng Amazon music list) at Alex Wilson, ang talented saxophonist na nasa likod ng album na "Afro-Saxon" and "Anglo Cubano". Lahat ng mga ito at iba pang Candid Records releases ay mabibili sa lahat ng Tower Records branches sa Pilipinas.

Ang release ng album ni Ladine Roxas ay mahalaga para sa Candid Records dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang kumpanya ay makapag-produce at makapag-release ng album ng isang Filipino artist at unang pagkakataon din para sa Candid Records na tumalilis sa kanilang "strictly jazz" policy at mag-release ng isang R & B-flavored project. Ang "How Can I Make You Love Me" ay iri-release sa UK sa June 2 kung saan isang malaking concert ang gagawin ni Ladine before 2,000 people sa Equinox Disco in London’s Leicester Square.

Show comments