^

PSN Showbiz

Di ibang tao ang sumaklolo kay Ness

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Inilibing na si Mama Jean Laxamana, ang dakilang ina ni Alma Moreno, pero sa pagkamatay ng kanyang ina ay may nabuhay namang emosyon sa pagitan nila ng ama ng kanyang mga anak.

Ilang linggo ring nagbatuhan nang masasakit at mapapaklang salita sina Alma at Mayor Joey Marquez bilang pagdepensa sa kani-kanyang sarili tungkol sa kanilang paghihiwalay, pero nang malagay sa pagsubok si Alma ay si Mayor Joey din ang unang-unang dumamay sa kanya.

Hindi ibang tao ang sumaklolo kay Ness sa kanyang kagipitan, kundi ang lalaking ilang linggo pa lang ang nakararaan ay pinagsalitaan din niya nang masakit.

Si Mayor Joey ang nagbayad sa ospital at punerarya, hindi rin nagkait ng suportang moral ang punong-siyudad ng Parañaque, palagi itong nasa burol ni Mama Jean.

Bukal naman sa puso ang pasasalamat na iginanti ni Alma sa kagandahang-loob ng kanyang nakahiwalay na asawa, pinuri ni Alma ang pagiging maka-ina rin ni Mayor Joey, kaya alam nito ang sitwasyong kinaroroonan ng ina ng mga anak nito.

Dahil sa nangyari ay marami ang nagsasabing mukhang nabuong muli ang nawasak na tulay sa relasyon nina Mayor Joey at Alma, hindi na raw nalalayo ang kanilang pagbabalikan, tutal naman ay pareho silang nagsasabing hindi pa sila nagsasalita nang patapos.

Nang makaabot sa amin ang detalye ng kagandahang-loob ni Mayor Joey ay lalo kaming humanga sa aktor-pulitiko, hindi lahat ng lalaking nasaktan na tulad niya ay makagagawa ng ganu’ng uri ng pagsuporta.

Kung sa ibang lalaki lang naganap ang pagsubok na pinagdaanan nila ni Alma, siguro’y pinabayaan na lang niya ang dating sexy star.

Dati nang matangkad si Mayor Joey sa aming paningin, pero dahil sa kadakilaang ipinakita niya ay mas matangkad pa ang tingin namin sa kanya ngayon.

Likas kasi sa kanya ang kababaang-loob, ang paghihiwalay ng mga personal niyang problema sa hinihingi ng sitwasyon, kaya naman patuloy siyang pinagpapala.

Wala naman kasi sa halaga ‘yun, kundi nasa suportang ibinigay niya kay Alma sa mga panahon nang pagdadalamhati nito.
* * *
Nang hingan ng panghuling pahayag si Vandolph para kay Mama Jean ay naawa kami sa batang komedyante.

Sana raw ay maging mapayapa ang paglalakbay ni Mama Jean at masaya na rin daw siya dahil hindi na naghirap ang kanyang lola, at makakasama na rin daw ni Mama Jean sa heaven ang kanyang love na si Ishi.

Mababasa mo ang matinding lungkot sa mga mata ni Vandolph sa pagpanaw ng kanyang karelasyon, batambata pang pag-ibig ‘yun kung tutuusin, pero may pinipili ba namang edad ang pagmamahalan?

Bumagsak ang katawan ni Vandolph, pero malaking pasasalamat pa rin ang dapat niyang ipukol sa langit, dahil sa kabila nang matinding trahedyang kinasangkutan nila ni Ishi ay heto pa rin siya at buhay na buhay.

Nu’ng una naming dalawin si Vandolph sa ICU ng Makati Medical Center na may kung anu-anong aparatong nakasaksak sa katawan ay naibulong mismo namin sa aming sarili na milagro na lang ang magliligtas sa kanya sa sinapit niyang trahedya.

At kalat naman ang milagro ng Diyos sa araw-araw, sinuwerteng makasalo si Vandolph, kaya kasama pa rin natin siya hanggang ngayon.

ALMA

ALMA MORENO

ISHI

JEAN LAXAMANA

KANYANG

MAMA JEAN

MAYOR JOEY

NANG

VANDOLPH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with