After 20 years, Maricel kumalas sa manager!
March 1, 2002 | 12:00am
Mahal pa rin si Alma Moreno ng mga taga-Parañaque dahil pawang mga taga-Parañaque ang inabutan namin sa wake ng kanyang mahal na ina na si Mama Jean Laxamana na binawian ng buhay sa edad na 80 nung hapon ng Pebrero 23 sa ganap na ika-5:10.
Hiwalay man sila ni Joey Marquez ngayon, nagpakita naman si Joey ng suporta sa dating asawa at sa kanyang yumaong biyenan bagay na pinasalamatan naman ni Ness (Alma).
Sa wake ng kanyang ina sa Holy Trinity Memorial Chapel sa Sucat, Parañaque, tinanong namin si Ness ang posibilidad ng kanilang pagkakabalikan ng kanyang dating mister. Ayaw umano niyang magsalita ng tapos pero ang lahat ay ipinauubaya na lamang niya sa Diyos.
Sa rami marahil ng kanyang dinadalang problema sa kasalukuyan, malaki ang inihulog ng katawan ngayon ni Ness pero itoy bumagay sa kanya. Lalong lumitaw ang kanyang kagandahan at pagiging sexy sa kabila ng pagkakaroon niya ng maraming anak. At sa kabila ng sunud-sunod na dagok na dumating sa kanyang buhay mananatili pa ring matibay si Ness bagay na kailangang-kailangan niya lalo na na ngayong dumadaan siya sa krisis ng kanyang buhay.
Inihahalintulad ni Ness ang kanyang sarili sa isang naghihingalong kabayo na sa kabila ng kalagayan nito ay patuloy pa ring hinahampas at sinasaktan.
"Masakit man ang nararamdaman ko sa ngayon, alam ko na ang lahat ng ito ay pagsubok ng Diyos at ipinauubaya ko sa Kanya ang lahat. Sana lang, makayanan ko," maluha-luhang tinuran ni Ness na sa kabila ng kanyang panghihina ay patuloy pa rin nitong pinasisigla ang sarili lalo na sa harap ng mga taong nakikidalamhati sa kanya.
Kahapon (Huwebes) ng alas-3:00 ay inihatid na sa huling hantungan si Mama Jean sa Loyola Memorial Park pagkatapos ng alas-2 na Misa. Hindi na pinauwi ni Ness ang kapatid niyang si Debra na nasa Amerika pero kaagapay naman niya ang dalawa pa niyang mga kapatid na sina Freddie at Jeannette at iba pang kamag-anakan.
Nung buhay pa umano si Mama Jean, panay ang tagubilin nito kay Ness na magdasal at maging malapit sa Diyos bagay na kanya namang sinunod. Iniwan ni Mama Jean hindi lamang ang kanyang apat na anak at mga manugang kundi maging ang kanyang 25 apo.
Tuluyan na ngang nagwakas ang halos dalawang dekadang pagsasama bilang talent-manager nina Maricel Soriano at Manny Valera. Si Maria ay tuluyan nang kumalas sa pangangalaga ni Manny at itoy lumipat na sa poder ni Wyngard Tracy na siyang manager ng Side A, Freestyle, Miriam Quiambao, Hans Montenegro, Willie Revillame at iba pa. Pero klinaro sa amin ni Manny na wala umanong bad blood na namamagitan sa kanilang paghihiwalay.
Taong 1982 nang unang hawakan ni Manny si Maria na naputol nang mag-decide si Manny na mangibang bansa. Muli silang nagsama bilang talent at manager in the late 85 na muling nahinto nang dumating si Edu Manzano sa buhay ni Maria. Nang magkahiwalay ang mag-asawa, muling bumalik si Maria sa poder ni Manny na nagwakas naman nung isang linggo.
Ngayong wala na kay Manny si Maria, concentrated naman siya ngayon sa iba niyang mga alaga ang magkapatid na De Rossi Assunta at Alessandra, Jean Garcia, Ynez Veneracion, Jay Manalo, Meryll Soriano at iba pa.
Patuloy na humahataw ang De Rossi sisters lalung-lalo na si Assunta na siyang pinakamainit ngayon among our new crop of sexy stars. Kasalukuyang tinatapos ni Assunta ang movie nila ni Bong Revilla, ang Kilabot at ang Kembot na pinamamahalaan ni Ogie Salvador for Imus International Productions at pagkatapos nito ay lilipat siya ng Regal Films para naman simulan ang Bahid na tatampukan nila nina Albert Martinez at Onemig Bondoc sa direksyon ni Joel Lamangan. May movie rin siyang sisimulan sa Star Cinema na pagsasamahan nila ng Whattamen guys na sina Rico Yan, Marvin Agustin at Dominic Ochoa. Nakahanda na rin ang pang-filmfest entry ng Regal sa MMFF, ang Bonifacio na pagtatambalan naman nila nina Richard Gomez at Jay Manalo na ididirek din ni Joel Lamangan.
Sina Jay at Alessandra ay mapapasama sa bagong sisimulang teleserye ng GMA-7, ang Kung Mawawala Ka pangungunahan ni Sunshine Dizon, bukod pa ito sa Click ni Alessandra. May tatlo namang sisimulang pelikula si Jay, ang sex-oriented movie na Nang Kagatin Si Adan na pagsasamahan nila nina Allona Amor at Aya Medel sa direksyon ni Felix Dalay for Maverick Films. Meron pa siyang Erlinda Marikit, isang war-movie na ididirek ni Joel Lamangan for World Arts Cinema.
Samantala, busy si Ynez Veneracion ngayon sa kanyang singing career at kasama rin ito sa pelikulang Nine Mornings nina Donita Rose at Piolo Pascual for Star Cinema. Habang si Jean naman ay pansamantalang mawawala sa top-rating drama soap, ang Pangako Sa Yo hanggang sa kanyang pagkapanganak at muli itong babalik sa programa matapos niyang isilang ang kanyang first baby sa kanyang Japanese boyfriend.
Email: [email protected]
Hiwalay man sila ni Joey Marquez ngayon, nagpakita naman si Joey ng suporta sa dating asawa at sa kanyang yumaong biyenan bagay na pinasalamatan naman ni Ness (Alma).
Sa wake ng kanyang ina sa Holy Trinity Memorial Chapel sa Sucat, Parañaque, tinanong namin si Ness ang posibilidad ng kanilang pagkakabalikan ng kanyang dating mister. Ayaw umano niyang magsalita ng tapos pero ang lahat ay ipinauubaya na lamang niya sa Diyos.
Sa rami marahil ng kanyang dinadalang problema sa kasalukuyan, malaki ang inihulog ng katawan ngayon ni Ness pero itoy bumagay sa kanya. Lalong lumitaw ang kanyang kagandahan at pagiging sexy sa kabila ng pagkakaroon niya ng maraming anak. At sa kabila ng sunud-sunod na dagok na dumating sa kanyang buhay mananatili pa ring matibay si Ness bagay na kailangang-kailangan niya lalo na na ngayong dumadaan siya sa krisis ng kanyang buhay.
Inihahalintulad ni Ness ang kanyang sarili sa isang naghihingalong kabayo na sa kabila ng kalagayan nito ay patuloy pa ring hinahampas at sinasaktan.
"Masakit man ang nararamdaman ko sa ngayon, alam ko na ang lahat ng ito ay pagsubok ng Diyos at ipinauubaya ko sa Kanya ang lahat. Sana lang, makayanan ko," maluha-luhang tinuran ni Ness na sa kabila ng kanyang panghihina ay patuloy pa rin nitong pinasisigla ang sarili lalo na sa harap ng mga taong nakikidalamhati sa kanya.
Kahapon (Huwebes) ng alas-3:00 ay inihatid na sa huling hantungan si Mama Jean sa Loyola Memorial Park pagkatapos ng alas-2 na Misa. Hindi na pinauwi ni Ness ang kapatid niyang si Debra na nasa Amerika pero kaagapay naman niya ang dalawa pa niyang mga kapatid na sina Freddie at Jeannette at iba pang kamag-anakan.
Nung buhay pa umano si Mama Jean, panay ang tagubilin nito kay Ness na magdasal at maging malapit sa Diyos bagay na kanya namang sinunod. Iniwan ni Mama Jean hindi lamang ang kanyang apat na anak at mga manugang kundi maging ang kanyang 25 apo.
Taong 1982 nang unang hawakan ni Manny si Maria na naputol nang mag-decide si Manny na mangibang bansa. Muli silang nagsama bilang talent at manager in the late 85 na muling nahinto nang dumating si Edu Manzano sa buhay ni Maria. Nang magkahiwalay ang mag-asawa, muling bumalik si Maria sa poder ni Manny na nagwakas naman nung isang linggo.
Ngayong wala na kay Manny si Maria, concentrated naman siya ngayon sa iba niyang mga alaga ang magkapatid na De Rossi Assunta at Alessandra, Jean Garcia, Ynez Veneracion, Jay Manalo, Meryll Soriano at iba pa.
Patuloy na humahataw ang De Rossi sisters lalung-lalo na si Assunta na siyang pinakamainit ngayon among our new crop of sexy stars. Kasalukuyang tinatapos ni Assunta ang movie nila ni Bong Revilla, ang Kilabot at ang Kembot na pinamamahalaan ni Ogie Salvador for Imus International Productions at pagkatapos nito ay lilipat siya ng Regal Films para naman simulan ang Bahid na tatampukan nila nina Albert Martinez at Onemig Bondoc sa direksyon ni Joel Lamangan. May movie rin siyang sisimulan sa Star Cinema na pagsasamahan nila ng Whattamen guys na sina Rico Yan, Marvin Agustin at Dominic Ochoa. Nakahanda na rin ang pang-filmfest entry ng Regal sa MMFF, ang Bonifacio na pagtatambalan naman nila nina Richard Gomez at Jay Manalo na ididirek din ni Joel Lamangan.
Sina Jay at Alessandra ay mapapasama sa bagong sisimulang teleserye ng GMA-7, ang Kung Mawawala Ka pangungunahan ni Sunshine Dizon, bukod pa ito sa Click ni Alessandra. May tatlo namang sisimulang pelikula si Jay, ang sex-oriented movie na Nang Kagatin Si Adan na pagsasamahan nila nina Allona Amor at Aya Medel sa direksyon ni Felix Dalay for Maverick Films. Meron pa siyang Erlinda Marikit, isang war-movie na ididirek ni Joel Lamangan for World Arts Cinema.
Samantala, busy si Ynez Veneracion ngayon sa kanyang singing career at kasama rin ito sa pelikulang Nine Mornings nina Donita Rose at Piolo Pascual for Star Cinema. Habang si Jean naman ay pansamantalang mawawala sa top-rating drama soap, ang Pangako Sa Yo hanggang sa kanyang pagkapanganak at muli itong babalik sa programa matapos niyang isilang ang kanyang first baby sa kanyang Japanese boyfriend.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended