Lani, sama sa US tour ni Martin

Sa Peb. 28 lilipad ng US si Lani Misalucha para makasama ni Martin Nievera sa dalawang city tour – una sa Grand Olympic Auditorium sa LA (Mar. 2) at, ikalawa, sa Cow Palace Arena sa San Francisco (Marso 9).

Sa Abril, star si Lani sa Crossover weekend special sa OnStage sa lahat ng araw ng Biyernes at Sabado ng buwan.

Patuloy si Lani sa pagiging co-host ng SOP. Minamadali na rin niya ang paggawa ng album matapos ang matagumpay na "All Heart" sa Viva Records.

Si Lani ay mina-manage ng mag-asawang Ronnie at Ida Henares ng Primeline, Inc.

Show comments