^

PSN Showbiz

Claudine, Rico walang takot sumabay kay FPJ ?

-
Sabi nga ni Claudine Barretto sa isa sa mga interviews niya para sa kanilang pelikula ni Rico Yan na Got 2 Believe, wala sa kapangyarihan nilang mga artista ang pagpapalabas ng kanilang mga pelikula. Nasa kamay ito ng kanilang producer, sa kaso ng Got 2 Believe, sa Star Cinema who is producing an Olive M. Lamasan feel good romance.

Matagal-tagal na rin silang hindi nakikita sa big screen matapos ang Dahil Mahal Na Mahal Kita. Ngayon ay ibinabalik ng Star Cinema ang kanilang tambalan sa big screen.

Tungkol sa magkaaway na mortal na isang wedding planner (Claudine) at isang sikat na potograpo (Rico) na hindi maiwasang mag-krus ang landas dahilan sa kanilang trabaho.

"It’s a fun role, a big relief from doing all those soap," ani Claudine.

"I happen to love photography, kaya nakaka-identify ako sa aking character," sabi naman ni Rico.

Samantala, sinabi naman ni Fernando Poe, Jr. after the preview of Batas ng Lansangan na iba ang tema ng kanyang movie sa pelikula nina Claudine at Rico. Magkatapat man daw ang mga ito ay hindi magiging magkalaban for the reason mentioned. Malaki ang paghanga niya sa dalawang kabataang stars na pareho nang lumapit sa kanya para magpakilala na para bang hindi sila mga sikat na artista.

BATAS

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DAHIL MAHAL NA MAHAL KITA

FERNANDO POE

OLIVE M

RICO

RICO YAN

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with