^

PSN Showbiz

May ka-live ina na aktres, nakikipag-date sa isang binatang aktor

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
May nakapagkwento sa akin na kahit may ka live-in na aktor ang sikat na aktres na ito at may lovechild na sila ay nakikipag-date pa rin sa isang sikat na aktor din sa isang music bar somewhere in Makati. Hindi lang daw isang beses nakita ang dalawa na nagtutungo doon at sey pa ng aking source na nagho-holding hands pa sila under the table. Sinasabi kasi ng aktres na masaya ito at kuntento sa piling ngayon ng ka live-in na aktor. "Bakit kaya nakikipag-date pa siya sa iba? At paminsan-minsan ay umiinom din ito ng alak?
Ian, Iniwan Ng Asawa
Hindi naman naghiwalay ang mag-asawang Ian at Issa de Leon. Pansamantalang pumunta ng Amerika si Issa para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Doon siya tumutuloy sa bahay ng kanyang mga magulang.

Nang magpakasal ang dalawa ay hindi pa tapos ng kanyang pag-aaral si Issa kaya nakapanghihinayang kung hindi niya ito tatapusin. Susunod din si Ian sa kanya sa Amerika at baka doon din mag-aral. Tapos ng high school si Ian at pangarap na makatungtong ng college na siyang pangarap ng kanyang magulang.

Kasama si Ian sa GMA Telesine na Bugso na prodyus nina Tirso at Lyn Cruz. Tampok sina Vilma Santos, Tirso Cruz III, Mandy Ochoa, Aiza Marquez at iba pa sa direksyon ni Christopher de Leon.
Rica-Bojo, Magsasama Muli
Payag naman makasama ni Rica Peralejo sa pelikula o TV ang ex-boyfriend na si Bojo Molina basta’t wala lang bedscene o passionate kissing. Magsasama sila ng dating nobyo sa Annakarenina na kung saan gagampanan ni Rica ang papel na babymaker sa buhay ni Dingdong Avanzado.
Kaye, May Ibubuga Sa Pag-Arte
Naimbitahan kami sa press preview ng Batas ng Lansangan kung saaan naroroon din si Fernando Poe, Jr. na masayang nakikipagkwentuhan sa mga writers. Maganda at simple lang ang istorya ng pelikula kung saan umikot ang kasaysayan sa buhay ni Major Ruben Medrano na naghiganti matapos mapatay ang kanyang asawa at napawalay sa kanyang anak na dalagita na ginampanan ni Kaye Abad. Nagsilbing love interest nito si Dina Bonnevie at kontrabida naman si Roi Vinzon.
Jacky Woo, Tumanggap Ng Gold Record Award
Naging matagumpay ang mall tour ng international action star na si Jacky Woo na idinaos sa Sta. Lucia Robinson sa Cainta noong Pebrero 23, Harrison Plaza (Pebrero 24) at Ever, Cainta noong Pebrero 24. Sa huling araw ng mall tour ay tumanggap siya ng certified Gold Record Award mula kay Jun Padpad na siyang regional sales manager dahil sa outstanding sales performance ng album na "Naroon Pa Rin." Bumenta ito ng mahigit sa 20,000 copies.

Inspirado ang action star dahil sa pagiging matagumpay na singer at actor sa bansa kung saan palabas ngayon sa Davao ang Hustler.

Bibihira sa mga dayuhang mang-aawit ang nagkakamit ng ganitong parangal dahil gustung-gusto ng mga Pinoy ang kanyang carrier single bukod pa sa ibang nakapaloob sa album gaya ng mga awiting "My Lady," "Hanggang Sa Muli" at "Melody" na nagiging paborito rin ngayon ng mga music lovers.

Ang kanyang "Naroon Pa Rin" ay ipinamamahagi ng Viva Records.
Diana, Bastarda?
Ang unang itinatanong sa bagong discovery ng Seiko Films na si Diana Zubiri ay kung ano ba ang relasyon niya sa mga Zubiri? Ayon sa magandang aktres ay nanggaling sa prominenteng pamilya ang kanyang ama. Sandali lang na nagsama ang kanyang mommy at daddy at iniwan na sila ng kanyang ama. Laging itinatanong ni Diana ang kanyang daddy sa kanyang ina pero sinabihan siya na huwag na itong alamin pa.

Guwapo ang kanyang ama at mestiso kaya pwede siyang mapabilang sa angkan ng mga Zubiri. Tanggapin naman kaya si Diana at kilalanin ng Zubiri clan sakaling totoo ngang Zubiri ang kanyang ama? "Okey lang kung sakaling mapatunayan na may relasyon nga ako sa mga Zubiri kahit hindi nila ako kilalanin." Sanay na naman akong masaktan lalo na noong iwan kami ng aking daddy. Kaya nga nagpapasalamat ako at sa tulong ni Tito Robbie Tan ay gusto kong maging matagumpay na artista. Kaya kahit wala si daddy ay makakapamuhay kami nang maayos," anang aktres.

First movie ni Diana ang Itlog katambal ang crush nitong si Rodel Velayo.

CENTER

IAN

ISSA

JACKY WOO

KANYANG

NAROON PA RIN

ZUBIRI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with