Si Kaye Abad ang bida!
February 27, 2002 | 12:00am
Hindi mapasusubalian na si Kaye Abad ang bida sa pelikulang Batas Ng Lansangan, sila ni Fernando Poe, Jr.
Being the scriptwriter and director of the film, maraming magaganda at mabibigat na eksena na ibinigay si FPJ sa kanya. Gaya nung confrontation scene nilang dalawa. Yung nakikinig siya sa pag-uusap nina FPJ at ng isang child star. Maganda rin yung eksena nila ni Dina Bonnevie nang ipinagtatanggol nito si FPJ sa kanya at yung tinutudyo siya nito dahil ayaw niyang sabihin na mahal niya ang kanyang ama samantalang nagawa nito (Dina) na aminin kay FPJ ang pagmamahal niya.
Di nakapagtatakang talagang namili si FPJ ng pagaganapin ng role ng anak niya. And in fairness to Kaye, nagawa niyang maibigay ang inaasahan sa kanya ng kanyang director, scriptwriter at co-actor.
Nung di ko pa napapanood ang movie, nagtatanong ako kung di ba nagtatampo si Ricardo Cepeda kay FPJ dahil gayong paborito siya nito pero ang malalaking role ay napupunta sa iba. Akala ko talaga maliit lang ang role niya. Di pala. Mahalaga ang role nito bilang bunso sa magkakapatid na binubuo nina FPJ at Robert Arevalo.
More action than drama ang movie. May bahagi nga na naiyak pa ako. Sayang at hindi nagawang mas dramatiko pa ni FPJ yung bago niyang "diskarte" sa movieyung pagtatanggal ng bala sa baril ng kalaban at yung ginawa niyang pagbaril sa mga kalaban na ang baril ay nasa likuran niya. Feeling ko hindi masyadong nabigyan ng importansya ang mga nasabing eksena gayong mga bagong eksena ito ng isang FPJ.
Im sure maraming mapapasaya si FPJ na manonood sa pelikula niyang ito, ang Batas Ng Lansangan.
Dahilan sa maraming kaganapan sa bansa involving military personnel risking their lives in the quest for peace and order, nag-file ng isang bill si Senador Noli de Castro na magtataas ng sahod ng mga sundalo na tulad ng mga empleyado ng gobyerno. Mula sa P19,173, panukala niyang itaas ito ng P28,875. Ang isang private ay tatanggap ng P9,939 sa halip na P5,775.
Sa kanilang malaking kontribusyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad ng bansa, naniniwala si Kabayan Noli na nararapat lamang na itaas ang kita ng mga sundalo sa pamamagitan ng kanyang Senate Bill 2019 na katulad ng mga pulis na nabiyayaan ng PNP Reform Law o RA8551.
Kasabay ng kanyang bill ay ang pagtutulak ng senador ng SBN 406 na magbibigay ng educational benefits sa mga anak ng law enforcement officer na napapatay in the line of duty.
Mapapanood pa rin ang Illusione sa OnStage sa Greenbelt Makati ngayong Biyernes (Marso 1) at Sabado (Marso 2) sa ika-8:00 n.g.
Tampok ang mga magagaling na female impersonator na gaya nina Kokoy Palma at Jake Macapagal with special appearances by James Cooper, Douglas Nierras at Ernest Santiago ng Coco Banana fame.
Ang Illusione ay isang magandang palabas na nagtatampok ng mga kapana-panabik na production number na kinonsepto nina Fritz Infante bilang direktor, Douglas Nierras bilang choreographer, James Cooper bilang image consultant, Butch Miraflor, as musical director, Roy Iglesias bilang scriptwriter at Eric Pineda, ang costume designer. Ilan sa mga numero na mapapanood ay ang "Broadway Suite" na nagtatampok ng mga excerpts mula sa ilang musicales, "BLack Divas Medley", "White Divas Medley" at marami pa.
Ang Illusione ay prodyus ng Bahaghari Production, Inc.
May kasunod pang performances sa Mar. 7, 8, 9, 14, 15 at 16.
Being the scriptwriter and director of the film, maraming magaganda at mabibigat na eksena na ibinigay si FPJ sa kanya. Gaya nung confrontation scene nilang dalawa. Yung nakikinig siya sa pag-uusap nina FPJ at ng isang child star. Maganda rin yung eksena nila ni Dina Bonnevie nang ipinagtatanggol nito si FPJ sa kanya at yung tinutudyo siya nito dahil ayaw niyang sabihin na mahal niya ang kanyang ama samantalang nagawa nito (Dina) na aminin kay FPJ ang pagmamahal niya.
Di nakapagtatakang talagang namili si FPJ ng pagaganapin ng role ng anak niya. And in fairness to Kaye, nagawa niyang maibigay ang inaasahan sa kanya ng kanyang director, scriptwriter at co-actor.
Nung di ko pa napapanood ang movie, nagtatanong ako kung di ba nagtatampo si Ricardo Cepeda kay FPJ dahil gayong paborito siya nito pero ang malalaking role ay napupunta sa iba. Akala ko talaga maliit lang ang role niya. Di pala. Mahalaga ang role nito bilang bunso sa magkakapatid na binubuo nina FPJ at Robert Arevalo.
More action than drama ang movie. May bahagi nga na naiyak pa ako. Sayang at hindi nagawang mas dramatiko pa ni FPJ yung bago niyang "diskarte" sa movieyung pagtatanggal ng bala sa baril ng kalaban at yung ginawa niyang pagbaril sa mga kalaban na ang baril ay nasa likuran niya. Feeling ko hindi masyadong nabigyan ng importansya ang mga nasabing eksena gayong mga bagong eksena ito ng isang FPJ.
Im sure maraming mapapasaya si FPJ na manonood sa pelikula niyang ito, ang Batas Ng Lansangan.
Sa kanilang malaking kontribusyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad ng bansa, naniniwala si Kabayan Noli na nararapat lamang na itaas ang kita ng mga sundalo sa pamamagitan ng kanyang Senate Bill 2019 na katulad ng mga pulis na nabiyayaan ng PNP Reform Law o RA8551.
Kasabay ng kanyang bill ay ang pagtutulak ng senador ng SBN 406 na magbibigay ng educational benefits sa mga anak ng law enforcement officer na napapatay in the line of duty.
Tampok ang mga magagaling na female impersonator na gaya nina Kokoy Palma at Jake Macapagal with special appearances by James Cooper, Douglas Nierras at Ernest Santiago ng Coco Banana fame.
Ang Illusione ay isang magandang palabas na nagtatampok ng mga kapana-panabik na production number na kinonsepto nina Fritz Infante bilang direktor, Douglas Nierras bilang choreographer, James Cooper bilang image consultant, Butch Miraflor, as musical director, Roy Iglesias bilang scriptwriter at Eric Pineda, ang costume designer. Ilan sa mga numero na mapapanood ay ang "Broadway Suite" na nagtatampok ng mga excerpts mula sa ilang musicales, "BLack Divas Medley", "White Divas Medley" at marami pa.
Ang Illusione ay prodyus ng Bahaghari Production, Inc.
May kasunod pang performances sa Mar. 7, 8, 9, 14, 15 at 16.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
12 hours ago
12 hours ago
Recommended