Isang libreng talakayan

Isang grupo ng mang-aawit ng papuri sa Panginoon na manggagaling sa Hosanna House sa Jerusalem, Israel at Masters Vineyard Christian Fellowship ng New York, USA ang darating sa bansa upang magdaos ng libreng talakayan sa Makati. Ito ay gaganapin mula alas-otso ng umaga hanggang ala-sais ng gabi, araw ng Biyernes at Sabado (Marso 8 at 9) sa Friends of Jesus Christ Church, 2nd floor ng Equidata Bldg., 2310 Chino Roces Extension, Makati City. Ang pamagat nito ay "Worship: The Lost Treasure" (Pagsamba at Papuring Kristiyano: Ang Nawawalang Kayamanan).

Pinamumunuan ito ni Jim McDonough, kilalang praise and worship leader sa Jerusalem. Sila’y magbibigay-patunay tungkol sa kauna-unahan at orihinal na pamamamaraan ng pagbibigay pugay, pag-awit at papuri sa Diyos na hango pa sa lumang aklat ng Biblia noong panahon ng compositor ng mga awit sa Panginoon o mga psalmo, na si Haring David.

Ang iba pang mga paksa ay tungkol sa Spiritual Warfare, Levitical Worship, Pamumuno sa Awiting Pagsamba, The Anointing, Mga Awiting Papuri para sa mga Bata at marami pang iba.

Ang usaping ito’y handog ng Kol Adonai (Voice of the Lord) Foundation, isang ‘broadcast ministry’ na pinangungunahan ni Marisa Albert. Sila’y nagsasahimpapawid ng mga programang hango sa banal na kasulatan ng Diyos sa Israel at Middle East.

Si G. Jim McDonough at ang kanyang mga kasamahan ay namamalagi sa Mount of Olives, sa Jerusalem. Kung saan, umaasa sila na makapagpapatayo ng isang bahay papuri at pagsamba na bukas maghapon, magdamag sa pakikipagtulungan ng Kol Adonai.

Kabilang rin sa mga magsasalita ay ang mga sumusunod: Pastor Nomer Bernardino, Marisa Albert, Lucie Peralta, Ptr. Rommel Guevara at Ptr. Jocel Evangelista.

Kung may ibig pa kayong malaman tungkol dito sa ating gaganaping talakayan, mangyaring tumawag lamang po sa Kol Adonai sa teleponong 8156708.

Show comments