Bakit click ang 'Sis'?

Medyo maaga ang naging gising ko kahapon. May guesting kasi ako sa programang Sis (GMA, Mondays-Fridays, 10:30 a.m.). Call time was 9:30 a.m. And according to my daughter it would take me two hours (traffic and everything) para marating ang North Susana, sa isang bakanteng bahay dun na kung saan ay ginagawa ang taping ng programa. The house has been in the market for two years now pero, walang buyer kaya dun naisip ng production na gawin ang show. But she (my daughter) over-estimated the time. From my place in Project 3 I reached the place in less than 30 minutes. Mai-imagine mo kung gaano ako kaaga sa taping since I left my house at 7:00 a.m. Ang laki ng oras na pinatay ko. Mabuti na lamang may TV set sa sasakyan ko. Nanood ako hanggang 9:30 a.m. when I had to show myself up. Kung alam ko lang na maghihintay ako ng hanggang almost 11 before we could begin the taping, sana 10:00 a.m. na lang ako umalis ng bahay. Nahintay ko pang magising ang grandson ko.

Anyway, it was a most enjoyable morning. Parang nagkwentuhan lang kami. Ni hindi ko napansin ang paglipas ng oras. Si Gelli (de Belen) ang daldal-daldal pero ang kadaldalang yun ang kanyang asset sa show. Kaya walang minutong namamatay. Lively ang exchange of ideas. And Janice seems to give her sister the floor. Ba’t nga naman hindi, mayroon naman siyang S- Files na magagamit para naman siya mag-shine.

Ang kasiyahan ng magkapatid ang ramdam na ramdam hindi lamang ng kanilang mga bisita kundi maging ng mga manonood nila. Kaya palagi silang nanonood ng programa dahil nakaka-relax ang magkapatid. Di sila umaarteng host. Parang mga kahuntahan mo lamang sa bahay, sa kapitbahay.

Mga bagets din ang bumubuo ng production people, kaya siguro maraming nakaka-relate sa mga pinag-uusapan nila sa show. Up to date sila sa maraming bagay at welcome naman kina Janice at Gelli ang anumang topic na maisipang pag-usapan sa show. Ang hirap lang sumingit once na nagsisimula na ang usapan, lalo pa’t ang mga kasama kong guest ay marami ring opinion na gustong maipaabot sa mga manonood.

Masayang makasabay sa pagi-guest sa show ang mga sikat na sina Ricky Lo, Julie Fe Navarro, Aster Amoyo at Lhar Santiago. Feeling ko tuloy sikat din ako.

Bukas mapapanood ang episode na ginawa namin na ang tinatalakay ay ang trabaho namin, ang entertainment writing. Gaano ba kasarap o kahirap ang aming trabaho? Bukas malalaman n’yo. Tingnan ko nga kung mahuhulaan n’yo ang mga blind items namin sa show.
*****
Limang taon ba inabot bago matapos ang album ni Teri Lopez? Si Teri ay isang matagumpay na negosyante na mahilig lamang kumanta, pero never na inisip niyang maging isang recording artist. At marahil kung hindi lamang siya nakumbinsing mag-recording baka hanggang ngayon ay nagkakasya na lamang siyang kumanta tuwing may kasayahan ang kanyang pamilya, ang kanyang mga kaibigan o yung mga business associates niya.

"Ngayon, parang nararamdaman ko na isa na akong tunay na recording artist," ang may pagkamahiyain niyang nasambit sa amin during her recent birthday celebration na ginanap sa Jade Valley na kung saan ay ini-launch na rin ang kanyang self-titled debut album na naglalaman ng mga magagandang komposisyon ng mga magagaling nating kompositor.

Maganda at buo ang boses ni Teri. Hindi siya nahiyang aminin na prayoridad pa rin niya ang kanyang negosyo. Sinabi niya na baka hindi niya makayanan ang oras na kinakailangan para mai-promote niya ang album pero, gusto niya itong maging gold record.

Ang album ay may carrier single na "Minsan", na kinompos ni Alex Catedrilla. Si Alex din ang composer na maraming awitin sa album ("Dahan-Dahan", "Mula Ngayon", "Dahil Mayroong Ikaw", "I Should Never Let You Go", "Crazy Feeling" at "It’s Nice To See You Again") at siya ring nagproduce nito bagaman at may kontribusyon din dito si Vehnee Saturno, ang upbeat song na "Lost Love Serenade".

May revivals ng "What I Did For Love", "This Is My Song" at "It Aint Easy Coming Down".

Show comments