Siya ay si Jay B!
Siya ay nasa kanyang mid-twenties at mababakas sa kanyang mukha ang pagiging responsibilidad at pagnanais na pumalaot sa larangan ng pag-awit.
Sa personalidad pa lang, lalampasan si Jay B. Ang presence niya kapag siya ay nasa isang grupo ay kaagad mararamdaman ng sinuman. Maliban sa pagiging gentleman niya kung kumilos, malalim kung manalita ang binatang mula sa Ilocos Norte.
Nag-umpisa sa murang edad si Jay B nang makahiligan niyang kumanta. Dahil sa hilig nga niya ang musika, natuto siyang tumugtog ng gitara at lumikha ng mga awitin partikular na para sa kanyang sarili. Hanggang sa ito ay kanya nang nakalakihan.
Kaya dito sa kanyang debut album na isang self-titled, halos lahat ay sarili niyang komposisyon. At sa tulong ng kanyang butihing ina, naisakatuparan ang pagre-recording niya.
Limang taon niyang pinaghandaan ito at ngayon ay natupad na ang kanyang pangarap.
Ang album na ito ay ginawa niya sa Estados Unidos, sa Orange County ng California, kung saan naninirahan ang kanyang ina. Mula sa Pilipinas, nagtungo pa doon si Jay B upang isagawa ito.
Tapos na sa kolehiyo si Jay B at may sariling negosyo sa probinsiya kung kaya naisipan naman niyang pumasok sa showbusiness para isakatuparan ang sariling hilig.