^

PSN Showbiz

Nagbabanta ang personal secretary ni Alma!

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Personal naming kilala si Lilibeth, ang personal na sekretarya ni Alma Moreno, na sinasabing may hawak ng susi sa relasyong Alma-Julian Say.

Taong 1995 at 1998 ay ilang buwan naming gabi-gabing nakakasama noon si Lilibeth sa kampanya para kay Mayor Joey Marquez, totoo ang mga nasusulat na pinagkakatiwalaan ni Alma ang taong ito.

Si Lilibeth ang sinasabing naging tulay nina Alma at Julian, at kung paniniwalaan ang mga sabi-sabi, ay siya ang may hawak ng mga impormasyon para sa ikalilinaw ng isyung ito.

Nu’ng una ay nagde-deny pa ang kampo ni Alma tungkol sa pagkakaugnay ng kanyang pangalan kay Julian Say, pero nitong mga huling araw ay mismong sa kampo na ni Alma umaalingasaw ang diumano’y pakikipag-ugnayan ng dating sexy star sa binata ng Cebu.

Ang kuwento ay masamang-masama kasi ang loob ni Lilibeth dahil iniwan daw siya sa gitna ng laban ni Alma Moreno.

Pinagbukas daw ng checking account ni Alma si Lilibeth, ang kanyang pirmadong tseke ang ipinagbabayad ni Alma sa mga kinukuha nitong alahas at iba pang personal na gastusin, pero nitong huli ay nalagay sa alanganin ang sekretarya.

Nang maghiwalay na sina Mayor Joey at Alma ay natural lang na nagkagulo-gulo na ang pampinansiyal na aspeto ng buhay ni Alma, kaya isa-isa nang nagtalbugan ang mga tsekeng inisyu nila ni Lilibeth.

Dinagsa ng maniningil ang munisipyo ng Parañaque na hindi naman pananagutan ni Mayor Joey dahil wala itong kinalaman sa transaksyon, kaya si Lilibeth na nag-isyu ng mga tseke ang naiipit ngayon sa mga maniningil.

Dahil wala naman siyang kinalaman sa isyu at ginamit lang siya ni Alma sa pagbubukas ng checking account ay hindi malaman ngayon ni Lilibeth ang kanyang gagawin.

Hindi niya puwedeng ikatwiran sa korte na utang ni Alma ang kanyang pinagbabayaran dahil siya ang nakapirma sa tseke, kaya talagang siya ang kukuyugin ngayon ng mga pinatalbugan nila ng tseke.

Pakiramdam ni Lilibeth ay pinababayaan na siya ng kanyang Ma’m Ness sa pangyayari, kaya balitang nagbanta ang sekretarya na kapag hindi siya isinalba ni Alma sa mga asuntong ito, ay mapipilitan na siyang ibunyag ang katotohanan.

Ayon sa mga kuwentong umiikot sa munisipyo ng Parañaque ay si Lilibeth ang nakakaalam ng mga detalye tungkol sa relasyong Alma-Julian Say.

Siya ang may hawak ng mga tiket sa eroplano, resibo sa iba’t ibang hotel, at pati ang mga resibo ng naibigay na regalo ni Alma kay Julian ay si Lilibeth din diumano ang nag-iingat ngayon.
* * *
Kung totoo ngang magsasalita na si Lilibeth tungkol sa ugnayan nina Alma Moreno at Julian Say ay isa lang ang masasabi namin.

Anumang baho, itago mo man nang napakatagal na panahon, ay mangangamoy at mangangamoy pa rin sa takdang panahon.

Ang magiging labanan na ngayon ay sa pagitan nina Alma Moreno at Lilibeth, mawawala na sa eksena si Mayor Joey Marquez.

Pero ang bawat salita na pakakawalan ngayon ni Lilibeth, kung totoo ngang magsasalita na siya, ay parang balaraw na manunugat sa puso ng aktor-pulitiko.

vuukle comment

ALMA

ALMA MORENO

ALMA-JULIAN SAY

JOEY MARQUEZ

JULIAN SAY

LILIBETH

MAYOR JOEY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with